Janno Gibbs, sinumpong ng matinding depression?!

NA-UPSET NAMAN AKO sa nabalitaan ko tungkol kay Janno Gibbs na dumadaan daw ngayon sa matinding depression?

Nasulat na ito ng ibang kolumnista pero matagal ko na itong naririnig. Kaya lang, hindi ko naman nakakausap si Janno kaya hindi ko nakumpirma kung totoo o hindi.

Pero napapansin ko ngang pasulput-sulpot lang ito sa Party Pilipinas at wala naman siyang ibang show na nilalabasan.

Ang kuwento naman ng ilang taga-Party Pilipinas, lagi naman daw nilang binibigyan ng production number si Janno, pero basta na lang itong hindi sumisipot.

Dati raw nali-late lang ng dating at expected na nila iyan, pero ngayon ay talagang hindi na dumarating. Ano kaya ang problema nito?

Hindi na rin kasi nagsasalita si Bing Loyzaga tungkol sa isyu nilang mag-asawa kaya wala talaga tayong ideya kung ano na ang kanilang situwasyon.

Ewan ko lang kung totoo, ha? Pero may nakarating ding kuwento sa amin, meron daw pumunta sa bahay ni Janno at magulo raw ito na parang walang nag-aayos.

Paano, lagi lang daw ito sa kuwarto at hindi lumalabas. Wala ring nakaaalam kung ano ang pinagdadaanan nila pero talagang depressed daw ito ngayon.

Kung tungkol sa career ang ikina-depress niya nang husto, nasa kanya na rin ‘yun. Kung nagtrabaho lang naman siya nang maayos, tiyak na bibigyan naman iyan ng show ng GMA-7.

Minsan nga raw kinausap ito ni Kuya Germs na magtrabaho na siya nang maayo,s pero nang sumunod na Linggo, hindi na sumipot ng Party Pilipinas.

Sinusubukan ito ng Startalk na makapanayam pero hindi siya sumasagot ng mga tawag kaya abangan na lang natin kung magsasalita ito tungkol sa kalagayan niya ngayon.

MAY ISA PA kaming kuwentong mapapanood n’yo sa Startalk bukas, tungkol sa isang character actress na naghihirap na raw at nagtitinda na lang daw ito ng barbecue sa labas ng bahay niya.

Nagsimula lang ‘yun sa blind item at natukoy ngang si Melissa Mendez ‘yun. Natawa na lang ang aktres sa balitang ‘yun dahil ano naman daw ang masama sa pagtitinda ng barbecue.

Oo nga naman! Masipag kasi talaga si Melissa at masarap siyang magluto kaya ginamit niya ito habang wala naman siyang regular show na ginagawa.

Sinadya ito ng Startalk at hindi ikinahihiya ng aktres kung nagtitinda naman siya ng barbecue.

Sabi nga niya, sana hindi na raw siya na-blind item. Puwede naman daw banggitin ang pangalan niya para ma-promote pa ang mga tinda niya sa may labas ng bahay niya sa Mapayapa Village.

In fairness, mabenta nga ang tinda ni Melissa at hindi niya ito ikinahihiya. Pero hindi naman daw ibig sabihing naghihirap na siya.

Kapag wala raw siyang taping o shooting, naisip niyang magtinda sa tulong ng kapatid niya at maganda naman ang resulta kaya tinuluy-tuloy na niya.

Abangan n’yo ang inspiring na kuwento ni Melissa sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

16 thoughts on “Janno Gibbs, sinumpong ng matinding depression?!

  1. karma? mga wala kayong puso. if indeed janno is suffering from some form of mental illness, bakit naman kayo kailangan pang maging sarcastic. pray for redemption and healing instead.

    at ang barbecue ay marangal!
    nothing further…

  2. karma nga..naku kaya yung mga ngloloko dyan..mgisip isip na kau! tsk

    sabi ni ogie ndi dw totoo..hmm..expected na yan na ndi yan patototohanan..dba? pero kung totoo man yan..kelangan bantayan mabuti c janno ng mga tao sa paligid nia.. kasi as far i know..lahat ng mga nadidiagnose n merung depression me suicidal tendencies yan..seek medical attention right away! sana ndi n lang totoo…hmmmm

  3. DEPRESSION?BAKA DRAMA LANG NI JANNO Gibbs yan,nagpapapansin kasi laos na ,anyways he did it himself,too bad he has no career and most of all no happy family……depressing kasi he has to survive al these himself ,unlike before BIng was there, all the time eh ngayoon wala gago kasi siya,nasaan na ba ang mga babae niya ,di ba wala rin ,this is a clear example… walang nararating ang mga pasaway at mga babaerong tulad niya……ngayon nasa kankungan na siya……well he deserves what he gets…….SORRRY

    • I dont think Janno is laos yet but the decline of his career has something to do with his attitude, unprofessionalism and most especially sa pagiging “unfaithful” niya. A lot people were really turned off that he was cheating on Bing constantly and obviously, naawa ang mga tao kay Bing at sa mga anak nila.

      You are absolutely right about Bing was always there before. A lot of people have always noticed that Bing was the stronger, more reliable and more stable person between the two.

      Ang ganda ganda ni Bing and they have beautiful healthy children so bakit pa nagloko itong si Janno. Sayang.

      • Nagagandahan talaga ako kay Bing Loysaga
        I remember a couple of years back nung umiyak si Bing sa the Buzz dahil panloloko ni Janno
        There was a time that Bing looked very haggard because of so much stress from Jano’s serial womanizing
        Sa nagyarari kay Janno ngayon, it truly believe its karma.
        As to his career, nagiging stagnant na niya sa gma 7 so maybe a change of network will be good for him

    • Agree ako sa mga nagsasabi dito na ano naman ang masama sa pagtitinda ng BBQ? Maranagal naman talaga ito. Kesa naman magnakaw ka o magputa, di ba? O kaya ay maging kurakot na govenment official, o kabit ng pulitiko, o kaya drug lord, carnapper, pusher.

      Hay naku, ang mentality kasi ng iba, sobra. Di ba nga, ang mga pokpok na nag Bruinei pa dati gaya ni R. ay parang glorified pa ng iba. kasi glamorous, kasi maganda, kasi maraming connection. Ang corrupt na gaya ni J, sikat din.

      Kaiba talaga ang mga ibang Pinoy. Big deal ang pagtitinda ng BBQ kesyo artista.

      Kesa naman ang iba na high-class prosti.

      Go, Melissa. Kesa itinda mo ang karne mo gaya ng ibang starlets at stars. Madami sila.

  4. Abangan n’yo ang inspiring na kuwento ni
    Melissa sa Startalk bukas.
    ———————–
    di ba wednesday pa lang bukas? May startalk ba kapag wednesday?

  5. So basta pala nagtinda ng BBQ mahirap na? hay naku… ang mahal kaya ng karne! hahaha! naghihirap siguro kung lubog na sa utang at wala nang bahay at lupa. Parang minamasama pa ang pagtitinda.

  6. bakit pag aartista lang ba marangal na trabaho? eh yan nga pinaka unstable na source of income sa lahat no. sus. ayusin nga yang mindset na yan.

  7. ano naman ba talaga masama magbenta ng barbecue? kahit magbenta ng babana Q o fishball walang masama, at least nagagamit nya ang husay niya sa pagluluto at na eenjoy nya kumita kung free time niya.

    hindi komo mga artista sila wala na silang karapatan na humanap ng ibang mapagkakakitaan. nakakabilib nga si melissa dahil hindi siya kagaya ng ibang mga pinoy na kahit wala na ngang trabaho eh magawa pang tumambay sa kanto o tumambay sa sari-sari store para sumagap ng mga tsisimis o kaya naman imbes na kumita mas nanaisin pang makipag binggohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.