Janno Gibbs, itinangging hiwalay na sila ni Bing Loyzaga

Janno-GibbsMALAKI NA nga ang ipinagbago ni Janno Gibbs pagdating sa kanyang showbiz career. Dati, tawag sa kanya ng kapwa artista ay the late actor dahil laging late at kung minsan ay hindi na talaga sumisipot sa taping.

Wala na rin kaming naririnig na reklamo sa kanya ng mga kasamahan niya o ng mga production at staff sa mga project na kinabibilangan niya. Katuwiran ni Janno, hindi na raw siya bumabata at kailangan na niyang seryosohin ang mga responsibilidad na ibinibigay sa kanya.

Wish niya ngayon ay magkaroon ng sitcom na kasama ang kanyang mga anak at daddy na si Ronaldo Valdez.

Samantalang pinagdiinan ni Janno na okey naman daw ang pagsasama nila ni Bing Loyzaga taliwas sa naglabasang hiwalay na raw sila.

Ayon kay Janno, magkatabi raw ang townhouse na pag-aari nila ni Bing at nasa kabilang bahay ang sangkatutak na gamit na damit ni Janno kaya madalas itong nakikitang pumupunta roon. Inakala raw ng iba na magkahiwalay na sila ng bahay na tinitirhan ni Bing pero hindi raw ‘yun totoo.

Sa ngayon, kasama si Janno sa Paraiso Ko’y Ikaw at magtatapos na ang kontrata niya sa GMA 7. Sa tanong kung balak niyang sundan si Ogie Alcasid sa TV5. Kaagad niyang sagot, wala naman daw siyang dahilan para lumipat ng ibang network. Iginagalang daw niya ang gjnawang paglipat ng kaibigang si Ogie at karapatan daw ng kaibigan niya kung anuman ang gusto nitong mangyari sa career.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Janno Gibbs, itinangging hiwalay na sila ni Bing Loyzaga

  1. wag na niya subukan na lumipat sa tv5, laos na nga siya mas lalo pa siyang malalaos dun hahahahahahaha! baka mag-extinct na siya pag ginawa niya yon noh! hakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.