Janno Gibbs, ‘di sinipot ang presscon ng bagong show sa Singko

Janno-GibbsKALURKEY ITONG si Janno Gibbs. ‘Di nga ba’t may kuwento na sa pagiging unprofessional niya ang reason kung bakit ano man gawin niya ay wala na talagang mangyayari sa career niya?

Heto’t kuwento ng isang kaibigang reporter na dumalo sa bagong show na pagsasamahan nila ni Ogie Alcasid sa istasyon ni MVP, hindi umano sinipot ni Janno ang press conference.

Kaloka ang mister ni Bing Loyzaga. Kung ganito na ang kaganapan, kahit ano man ang alibi ni Janno, waley na waley na talaga. Kawawa naman si Bing sa attitude na ito ng mister towards his work.

Paano kaya hina-handle ng PPL ang ganitong working attitude ng talent nila?

Kung ganito rin lang naman ang gagawin, baka pagod na si Janno sa mga pinaggagagawa niya. Wala na nga akong nakikitang effort na magpapayat siya dahil itsurang pang-Pista ng Balayan (Batangas) na ang kanyang peg, plus ang working attitude na deadma sa kanyang schedules at sandamakmak na alibis, better magpahinga na siya. Sayang pa naman at ang galing pa rin niyang kumanta.

Kung puwede nga lang bang magsalita si Ogie at ang mga kasamahan niya sa show, ewan ko na lang kung anong kaganapan ang mangyayari sa dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleEula Caballero, taken na, deadma sa pagpapa-cute ni Carl Guevarra
Next articleBarbie Forteza, pinababayaan ng PR ng Siyete

No posts to display