Janno Gibbs at Bing Loyzaga, wala nang pag-asang magkabalikan?!

BAKIT GANUN? PAGKATAPOS magsalita ni Kris Aquino tungkol sa balak niyang pag-alis ng The Buzz, karamihan ay hindi nakaramdam ng simpatiya sa kanya.

Siyempre, ayokong magkomento, kasi sabihin na naman biased ako dahil lagi ko namang inookray si Tetay. Pero love ko pa rin naman iyan kahit papaano.

Ang naririnig ko lang sa mga umpukan ng mga reporters, hindi sila naawa o nataypan ang pagsasalitang ‘yun ni Kris dahil ang dating, parang nangampanya lang ito.

Parang subtle daw ang pangampanya nito para sa kapatid niyang si Noynoy. Kaya tuloy, may mga nag-react ng mas matinding komento laban sa kanya at as usual, damay na naman si Noynoy.

Natapos ang mahabang pahayag niya sa The Buzz nu’ng Linggo, hindi naman niya nilinaw kung talagang aalis na ba siya o tutuloy pa rin siya sa paghu-host sa showbiz talk show nila.

Palagay ko naloloka na rin si Boy dahil siya ang naiipit, siya ang ginugulo ng mga reporters at hinihingan ng sagot tungkol diyan. Pero desisyon iyan ni Kris at ng pamilya nga niya, hindi natin alam kung ano na talaga ang napagkasunduan nila.

Kaya tuloy, ang huling tsika sa Showbiz News Ngayon nu’ng kamakalawa ng gabi, abangan na lang daw kung mapapanood pa ba si Kris sa The Buzz o hindi.

Sabihin na naman ng iba diyan, gimmick na naman iyan para abangan lang ang The Buzz.

Well, wala naman tayong magagawa, mainit pa ring pinag-uusapan si Kris at paborito pa rin natin siyang topic kaya hot na hot pa rin siya.

Ewan ko lang kung makatutulong pa ito sa kapatid niya, abangan na lang natin. Malapit na rin naman ang eleksiyon, magkakaalaman naman iyan!

PANAY PA RIN ang renew ngayon ng kontrata ng mga Kapuso stars at nu’ng nakaraang linggo nga, sunud-sunod ang contract-signing at mga alaga ko na lang ang wala, huh! Type pa kaya ng GMA-7 ang mga alaga ko? Naku ha!

Ako nga ni-renew ang kontrata, ang mga alaga ko wala pa? Naku ha!

Anyway, kasabay kong pumirma ng kontrata si Janno Gibbs at as usual, late na naman ito nang dating.

Kaya naging biruan tuloy roon na kasama yata sa kontrata na hindi na ito puwedeng ma-late.

Kahit siguro nakakontrata pa iyan, wala na silang magagawa dahil hindi na iyan mababago – ang laging pagdating nang late ni Janno. Pero in fairness naman, pagdating niyan, handang-handa na siya at puwede na siyang isalang.

Ewan ko kung ganu’n pa rin siya sa Party Pilipinas, dahil isa ito sa nag-conceptualize sa bagong musical-variety show na ng GMA-7.

Sila na nga yata ni Ogie Alcasid ang creative consultant sa bagong show na ‘yun kaya inaasahang mas maganda ito at mas bago ang mga mapapanood.

Ang isa pala sa napansin doon sa contract signing, hindi kasama ni Janno si Bing Loyzaga na obvious namang may show sa kabilang istasyon.

Hindi naman nasagot ni Janno ang intriga kung talagang tuluyan na nga ba silang naghiwalay.

Kasi sa huling interview ng Startalk kay Bing, parang malabo na at sabi nga nito mananatiling magulang sila sa kanilang mga anak.

Si Janno naman ay quiet lang kaya baka nga talagang wala na sila ni Bing, at baka ang susunod na mabalitaan natin, inaayos na pala ang annulment. Naku! Dapat na sagutin iyan ni Janno.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

15 thoughts on “Janno Gibbs at Bing Loyzaga, wala nang pag-asang magkabalikan?!

  1. SABIHIN U LOLIT SOLIS INNGIT KA LANG TALAGA KAY KRIS AQUINO!!! MULA NOON HANNGAN NGAUN BAKIT KELAN KB NAGSULAT NG ABOUT KRIS NA POSITIVE? WALA DB KC AGAINST KA KAY MS. KRIS!!! KAYA LAHAT NEGATIVES WRITE UPS IKAW NMAN ANG ALAM MO LANG PURIHIN AY ANG MGA TALENT NG GMA TAPOS SASABIHIN MO BAKA SABIHIN BIAS KA HELLO MATAGAL NA PO NAMING ALAM! KUNG MAY SINUNGALING MAN D2 AT DPAT NA TUMIGIL AY IKAW UN ‘MAKAKALIMUTAN BA ANG SCAM NA PINAGGAGAWA MO” ANG PANINIRA MO KAY PIOLO PASCUAL ” SAMEN NAKAKATATAK NA UN NA WLA KANG CREDIBILITY KUNG IKAW LANG NMAN PAPANOORIN PAG TTYAGAAN KO NA C DJ MO KC UN KAHIT NAKAKABWSIT NAGSASABE TALAGA NG TOTOO KAIBIGAN KA MAN NYA O KATRABAHO EH IKAW PURO PANGHAHARBAT ANG ALAM MO!!!! REMEMBER DRA.BELO CGURO KUNG D KA NABABAHAGIAN TINIRA MO NA RIN YAN NG BONGANG BONGA;;;;; PURIHIN MO NA LANG HABAMBUHAY ANG MGA GMA TALENTS KC DYAN KA MAY TRABAHO HAHAHAHAHAHAH

  2. KAHIT ANONG SABIHIN NILA WALANG SINABI SI KRIS NA MASAMA,GUSTO LANG NI RUFFA PAGUSAPAN YONG EXIT NYA SA ABS AT YONG NANAY NYANG WALANG EDUKASYON NANDAMAY PA.SIGURO BINIGYAN NG PULITIKO SA KABILA.

  3. dpt lang na mag-stay si Kris sa buzz. Kris is Kris at ang layo niya compared to ruffa.

    ruffa is a talentless publicity hungry bimbo at yung nanay na wafreak parang may sakit ata sa utak.

  4. dpat na nga timigil na siya sa kaekrayan nya kasi kilala naman na siya ng tao kung anong klaseng babae siya at mga drama nya sa buhay…ubod ng yabang nay ko po.tumigil kana yabang ng malanding kris na ito at mahilig sa mga lalakeng may mga sabit…gusto kanya lahat ang sikat.hindi makuntento sa isang lalake makati talagang babae.hindi dapat huwaran at nanghihingi ng awa sa tao kapal talaga.grabe na yan…sana naman hindi manalo ang kapatid na abnoy.

    • I beg to disagree we don’t know Kris personally so stop condemning her (malandi at mahilig sa mga lalakeng may mga sabit). Yes maybe in the past she’s into a relationship with married men (Philip and Joey M.) but these men are already separated with their wives during that time. Hatred in your heart doesn’t do anything good to your life. Peace be with you……I’m not a Noynoy fanatic but please stop judging him by his looks!

  5. kahit anong makeover pa sa yo lolit at kahit gaano pa kakapal ang makeup na itatapal dian sa pagmumukha umaalingasaw ang kapangitan at sama ng ugali mo!!

  6. kayo lang namang mga bayarang reporters ni annabel at ng GMA ang anti KRIS

    Hoy Lolit, nagdidilim ang paningin ko sa kapangitan mo at sama ng ugali!

    TEAM KRIS kami at ng buong pamilya ko at karamihan ng mga kakilala ko, team kris kaya tumigil kang matandang bakulaw!!! Mangharbat ka na lang, dian ka magaling, kapal ng mukha mo!!!!

  7. WOW, Ang ganda parin ni Ms. Bing Loyzaga. She also looks slim and trim.

    As to the Kris-Ruffa issue, Team Kris Aquino ako. Majority of the Pinoys here that I know are also supporting Kris.

    Ms. Kris Aquino should NEVER leave the BUZZ or else panalo na ang mag-inang basura!

    Kris just became a victim of the GIMMICK SCAM of Ruffa and Annabelle.

    Kaya zero ang fanbase ni Ruffa, kasi sobrang gimikera!

  8. i totally agree with Ms. Lolit…
    sana Kris leaves the Buzz kahit for now…
    medyo sumosobra na po kasi yung dating nya sa tao…
    minsan si Mr.Abunda sa ere nagmumukha nang tanga ..when she says someting parang yung kausap nya naiipit sa mga sinasabi nya.. anyway… sana lang she goes muna para matahimik na…kung kampanya kampanya na lang muna she will not be really missed that much kasi di rin nya matitiis na di mapag usapan di po ba?

  9. naku, manay eh mga reporters lang pala ang nakuhanan mo ng reaction about kris eh..ano bang aasahan sa mga bayarang yan na laging present sa mga pa-raffle ni annabelat, at take note, walang umuuwing luhaan huh? isa ka nga don di vah? pero abswelto ka na kasi aminado ka namang mahilig sa mga harbat..kaya asahan niyo nang walang makikisimpatya sa kanila kay tetay..op kors doon sila sa queen of ANAY in showbiz na laging may dalang lechon, hak hak hak

Leave a Reply

Your email address will not be published.