Janno and Bing, lumalaban pa rin!

Love is lovelier the nth time around nga yata talaga para sa mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga. Sa loob kasi nang halos dalawang dekadang pagsasama, eh, marami-rami na rin pagsubok ang kanilang  pinagdaanan.

Nagkakilala ang dalawa sa kasagsagan ng That’s Entertainment. Sa tawag ng pagmamahalan, nagpakasal sila noong 1989 at maagang napasabak sa buhay-may-asawa.

Habang mag-asawa, nagpatuloy ang takbo ng karir nila bilang mga artista. Naging leading lady si Bing ng mga sikat na leading men sa kanyang henerasyon, samantalang si Janno, kinarir ang pagkanta at pagsabak sa mga comedy films.

Biniyayaan sila ng dalawang anak – sina Alyssa at Gab. ‘Yun nga lang, tulad ng kahit anong relasyon, hindi naman palaging smooth-sailing. Ang pinakahuli nga, ang pansamantalang pakikipaghiwalay ni Bing kay Janno dahil sa umano’y pagkakasangkot ng huli sa ilang babae.

Pero iba nga yata talaga ang true love plus ang tagal ng pinagsamahan, nagawang ayusin ng mag-asawa ang gusot, at muli, they are back in each other’s arms.

Nito ngang huli lang, nabalitang muntik nang matuluyan si Bing dahil sa alta-presyon, hayun, naging seryoso na sa pagiging good boy si Janno. Samantalang si Bing, hayun, kalmado at relaxed na rin.

O, ha, ‘yan sina Janno at Bing, fighting for the sake of their pag-ibig for each other.

(Mayin de los santos)
Parazzi Wires Photos

Related Post

loading...

2 thoughts on “Janno and Bing, lumalaban pa rin!

    • i’m a big fan of this two,janno and bing,they are indeed a fighter ,i’m hoping and praying that till the end they will be together forever.may your love for each other will bloom each day. more power and GOD BLESS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.