Janna Tiangco, seryoso nang pasukin ang showbiz

HALOS MAPABAGSAK sa kanilang mga kinauupuan ang mga nagkikisigang mga theater actors and indie film actors na naro’n sa Kowloon House sa Tomas Morato Avenue para sa audition day ng isang new historical indie film – nang bigla nilang mabungaran ang pagpasok ng napakaganda at napakaseksing si Janna Tiangco! Hindi lang ‘yun, halos malaglag pa silang lahat sa kanilang kinauupuan at maluwa ang mga mata. Biglang tumahimik ang lahat, parang may isang anghel na pumasok at damang-dama ang sentro ng atraksyon ng lahat: si Janna. Napangiti rin ang supervising producer at talent manager ni Allen Dizon na si Dennis Evangelista sa kanyang nasaksihan. Maski na si Miss Byuti Veloso na isang production manager, super humanga sa kagandahan ni Janna nang hapon na iyon.

Nakasuot pa mandin kasi si Janna ng isang pulang trendy mini-skirt nu’ng hapon na iyon. Ang baguhang aktres na ito, na unang nakilala sa indie film na Bahay Bata na isinali last year sa nagdaang Cinemalaya 2011 at nagwagi ng mga awards ay tunay namang pursigido na sa kanyang showbiz career this year. Medyo nag-lie-low kasi siya sa kalagitnaan ng taong 2011 (last year) dahil nag-concentrate muna siya sa kanyang studies. Pero napag-isip-isip niya, ang pag-arte nga at pagmo-modelo ang tunay niyang hilig. Kaya heto, she’s very cooperative na ngayon sa daddy niyang si Mr. July Tiangco na sumabak sa mga auditions, showbiz events at iba pa. Mag-a-audition din si Janna sa Regal Films bilang maging isang Regal Baby.

Samantala, ang napaka-cute at napaka-guwapong younger brother ni Janna ay papasok na rin sa showbiz. Siya ay si Marcus Tiangco, a 16 year old guy na mahilig sa dancing and acting. Estudyante siya sa Systems Plus College at crush naman niya si Sarah Geronimo. Si Marcus ay hawig nina Rocco Nacino at Geoff Eigenmann. Very fresh, very cute.

“Okey naman po na mag-artista rin ngayon ang brother ko,” nawika pa ni Janna sa writer na ito. “At least dalawa kaming sabay ngayon sa mga auditions at acting experiences. May kasa-kasama na ako. Hindi rin naman kami pababayaan ng publicist naming si Robert Silverio at ng daddy ko. Naririyan sila para gabayan kami.”

loading...

7 thoughts on “Janna Tiangco, seryoso nang pasukin ang showbiz

  1. magkano ang laman ng envelope?!!! nampucha, halatang bayad ang writer. pati starlet sa talipapa ginagawan ng article basta tama ang presyo! eh ni mga kasamahan nyang galunggong sa bangketa hindi kilala yan eh! PWEEH!

  2. Pra nmn Diyosa yung dumating ah. Npakaexaggerated nmn ng article nato. Ang tanong ko lang sa sumulat ng writer na sumulat neto “HOW MUCH?????”

  3. Ha ha ha. Magkano kaya binayad ng mga Tiangco sa writer na ito para sa write up na ito. May nalalaman pang halos mapabagsak sa kinauupuan ang mga actors sa sobrang ganda! naku naman… hindi naman pangit yang si Janna Tiangco pero hindi rin naman kagandahan no! O.A. Kala mo naman si Angelina Jolie o Megan Fox yung dumating ha ha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.