Janna Tiangco: Markado sa Indie!

 

KILALA ANG MGA Pampangueña sa kanilang angking kagandahan, karisma at kabaitan. Na-captivate na nila ang puso ng mga milyon-milyong mga kalalakihan at kinaiinggitan ng iba pang mga kababaihan. Mayroon kasi silang kakaibang “aura” ng kagandahan.

At ngayon, naririto si Janna Tiangco, ang baguhang artista na gumagawa na ngayon ng malaking “tidal wave” sa mundo ng showbiz. Isa siyang Kapampangan, bagets pa, sariwa, morena beauty at tunay na mapang-akit. She’s only 19 years old.

Si Janna ay makailang beses nang naging beauty queen sa kanilang lugar sa Angeles City, Pampanga. Siya ang tinanghal na Miss Angeles 2010, at isa rin siyang campus heartthrob, winning beauty contests left and right in different schools and nearby areas sa Pampanga. Siya rin ang pinakagustong ramp model ng mga sikat na designers sa Pampanga. Makailang beses na siyang sumali sa mga prestigious ramp modelling events sa PAGCOR sa may Angeles City. At ngayon, ang pagsabak naman sa mundo ng showbiz ang bagong mundong nagpapakislap sa kanyang angking kagandahan.

May dalawa nang indie movies na natapos gawin si Janna, na parehong kasali sa Cinemalaya 2011 sa darating na Hulyo. Una na rito ang Bahay-Bata, tungkol sa mga unwed mothers. Katambal ni Janna sa nasabing pelikula ang bagets ding indie actor na si Joeffrey Javier, kasama sina Yul Servo at Diana Zubiri. Isang teenager na naanakan ni Joeffrey ang ginampanang papel ni Janna, at tunay namang may mga dramatic scenes na siya rito.

Ang isa pang movie ni Janna ay ang Bisperas sa direksyon naman ni Jeffrey Jeturian. Isang temptress ang role niya rito at maaakit niya ang isang lalaki na lilikha ng conflict sa istorya ng pelikula.

O ‘di ba, tunay namang mga markado na agad ang mga papel ni Janna sa kanyang mga unang pelikula! Bukod diyan, kinu-consider din siya ng mainstream film director na si Erik Matti na gawan ng isang big movie sa Regal Films, at may bulung-bulungan na balak din siyang ikontrata ng Regal Films? Nariyan din ang isang higanteng TV network na plano siyang kunin as a regular guest sa isang sikat na serye.

Nakakaloka, ‘di ba? Kabagu-bago pa lang ni Janna, eh, talagang magaganda na ang mga nangyayari…

Very happy rin si Janna at napansin siya ng Pinoy Parazzi. Nabaitan siya sa staff ng nasabing diyaryo na very supportive sa kanya. ‘Di ba, Dani F.?


HotSeat-HotShot!
By

By Robert Silverio

loading...

9 thoughts on “Janna Tiangco: Markado sa Indie!

  1. Hindi po xa ang itinanghal na Miss angeles 2010, isa po xa sa mga naging kandidata ng pageant, at sya ay nanalo ng Best in Swim Suit.

    again, Hindi sya ang nanalong Miss Angeles 2010

  2. It looks like this is a real picture of her , i can see lot of fats, cellulites and stretch marks in her skin . So it means most of the pictures of her are edited . Hey for those who wanted to pose in FHM Girlfriend of the month you can able to submit your message and pictures at  fhm@summitmedia.com.ph

  3. sige eh di kayo ang mag two piece for sure kahit mga magulang nyo itataboy kayo at itatago kayo sa lumang aparador para makulob

  4. Ano ba yan ang lagi ng puson at bewang! Sana hindi siya nag two piece! Maganda pa naman mukha tsk tsk

  5. sana man lng binawasan muna nya ang taba nya bago cya ng 2 piece, pra nmn d nakakatawa imbes na ma impress..

Leave a Reply

Your email address will not be published.