Janna got two cars and a house as a gift?

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

Malabo nang sa Mayo ang kasal nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil as of this writing, wala pa rin daw detalye tungkol as kasal nila.

Ito ang inamin ni Juday nang maka-tsikahan namin as storycon ng bago niyang pelikulang Oh My Girl kasama si Ogie Alcasid under Regal Entertainment na ididirek naman ni Dante Nico Garcia sa March 25 at showing naman as Mayo.

Paano nga naman magiging sa May na, e, bisi-bisihan daw sila ni Ryan sa pagpapagawa ng bahay na titirhan nila somewhere in South, bukod pa sa renovation ng bahay niya sa North Susana Heights, Quezon City.

“Sa totoo lang, wala pa, hindi pa namin alam kung kailan kasi nga masyado pa kaming busy, marami pa kaming ginagawa. Tungkol sa ninong at ninang, isang pair pa lang ang nakausap namin at may kakausapin pa kaming ibang pares,” bungad-paliwanag ng aktres.

Kung ang aktres nga lang daw ang masusunod, gusto niya ng civil rites dahil nga ayaw din niya ng magulo at maingay na kasalan, kaso ang magiging asawa niyang si Ryan ang may gusto ng malaking kasal na pawang malalapit na kaibigan at pamilya lang nila ang dadalo at kung saang simbahan, hindi pa rin napag-usapan.

Klinaro na rin ni Juday ang isyung nagtatampo ang Mommy Carol niya, dahil nga hindi man lang daw isinasama sa plano sa nalalapit na kasal.

“’Yun nga, nu’ng mabasa ko ‘yung article na nagtatampo nga si Mommy, naalarma ako at kinausap ko siya at talagang nag-swear ako na wala pa talaga as in, at kung meron na, e, hindi puwedeng mawala ang nanay ko kasi nanay ko ‘yun at doon ako nanggaling.

“Inisip kasi ni Mommy na kaya hindi ako nagbibigay ng impormasyon ay dahil baka mag-leak sa press kasi marami siyang kaibigang press. Hindi ganu’n, involved siya sa kasal, kaya lang wala pa talaga kaming final decision ni Ryan kaya nag-sorry ako kay Mommy kung hindi ko siya mabigyan ng detalye kasi wala talaga,” paliwanag ni Juday tungkol as hinampo ng ina.

Pero ang sigurado, sina Mommy Carol at Jeffrey Santos ang maghahatid kay Budaday sa altar at kung kailan at saan, e, tumingala na lang tayo sa langit.

Sino kaya ang mayamang papa ni Janna Dominguez na nagregalo sa kanya nang dalawang mamahaling kotseng CRV at black Toyota Montero na idineliber mismo sa taping ng Parekoy.
Si Janna ang pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng ABS-CBN ng mga taga-production, dahil nga sa padalang mga sasakyan sa kanya.

Bale ba, Toyota Altis daw ang nakitang gamit-gamit ni Janna nu’ng umaga at CRV naman nu’ng gabi na.

At trulili rin kaya ang tsikang may bahay na sa Antipolo si Janna worth P18M? Kaya pilit na inaalam ng lahat kung sino ang mayamang dyowa ni Janna dahil bonggacious daw mag-regalo, huh?

Baka naman nanalo si Janna sa lotto kaya nagkaroon siya ng dalawang mamahaling sasakyan at bahay?

Nakakaloka ang kuwento as amin ng taga TV5 dahil sa reality show daw na OMG! na si Iya Villania ang host, nag-dare daw siya kina IC Mendoza at Uma Khouny na makipaghalikan sa babae na pinatulan naman daw nang dalawa.

Akala raw ng mga taga-Singko, igu-goodtime lang sila nina IC at Uma dahil nga parang suntok sa buwan naman ang pinaggagawa kasi ni Iya. Kaya laking-gulat ng lahat, kasama na ang host ng programa, na totoong nakipag-kissing scene ang una sa babae at ang huli naman ay bed-scene.

Hindi kami naniwala kaya sinabihan kaming panoorin ngayong gabi ang OMG! Ni Iya sa TV5 sa ganap na alas otso y media.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.