Janna Dominguez, new girl of Iwa Moto’s ex-boyfriend?!

PINAGPIYESTAHAN NG PRESS ang ginawang pambubulabog ng dating magdyowang sina Iwa Moto at Mickey Ablan sa GMA Network Compound. Umabot pa sa puntong nagkasakitan ng pisikalan ang dalawa.

Ayon sa nakalap naming balita, imposible nang magkabalikan pa ang dating magkasintahan dahil nahuli raw diumano ng mga bubuwit si Mickey Ablan na ka-date ang sexy comedienne na si Janna Dominguez. Ngayon ay kumakalat ang balitang si Janna raw talaga ang third party na sumira sa dating magandang relasyon nina Iwa at Mickey.

Matatandaang lumutang ang pangalan nina Jodi Sta. Maria at Bangs Garcia bilang mga ‘suspects’ sa naunang paghihiwalay ng dalawa. Kung babasahin ang mga tweet updates ni Iwa, tila determinado na itong maging single muna at bigyang atensyon ang showbiz career.

Dapat lang naman, ‘teh! Lalaki lang ‘yan!

 

ANNE CURTIS AT CRISTINE REYES, PAG-AAGAWAN SI DEREK RAMSAY!

Isang malaking proyekto ang niluluto ngayon ng Viva Films. Nakatakdang magsanib-pwersa ang sexy Kapamilya stars na sina Anne Curtis at Cristine Reyes para sa isang romance-comedy film. Ang nakakatuwa pa rito, ang hunk actor na si Derek Ramsay ang ‘pag-aagawan’ ng dalawang aktres.

Paniguradong aabangan ng mga tagahanga kung sino nga ba kina Anne at Cristine ang mas may ‘K’ pagdating sa aktingan at paseksihan. Gi-ven na rin naman na magkakaroon ng steamy love scenes ang dalawa kay Derek lalo na’t game na game naman sila sa ganitong mga eksena.

Parehong in a relationship in real-life sina Anne at Cristine. Very much in love pa rin si Anne sa utol ni Solenn Heussaff na si Erwan, samantalang lalo naman gumaganda ang samahan nina Cristine at Rayver Cruz.

Siguro naman ay hindi magiging issue ito kay Angelica Panganiban, na girlfriend ni Derek Ramsay, ‘noh?

 

COGIE DOMINGO, DETERMINADONG BUHAYIN ANG SHOWBIZ CAREER!

Minsan kinilala si Cogie Domingo bilang isa sa bankable leading men ng GMA-7. Isa rin siya sa artistang laging binibigyan ng movie projects ni Mother Lily. Dahil sa samu’t saring isyu na kinasangkutan noon, tumigil ng ilang taon sa kanyang showbiz career ang drama actor.

Noong nakaraang taon ay ginulantang niya ang madla sa pagbabalik niya sa pelikula via the gay indie film Muli, kung saan katambal ni Cogie ang award-winning actor na si Sid Lucero. Akala ng karamihan ay muling babalik ang interes ng publiko sa kanya, pero hindi na ito nasundan pa ng TV o movie projects.

Kamakailan lang ay pumirma na si Cogie ng exclusive contract sa Viva Entertainment with the hope na sana’y muli siyang yakapin ng mundo ng showbiz. Makabalik na kaya siya sa sirkulasyon?
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Janna Dominguez, new girl of Iwa Moto’s ex-boyfriend?!

  1. naku flop yang pelikula ni cristine, ann at derek………..kasi naman yung leading man ay aso….di ba frisbee lang ang alam nito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.