Janna Dominguez, lumipat na sa Siyete dahil kay Anjo Yllana?!

BLIND ITEM: LUMAMON ng panlalalit ang isang actor star politician sa ilang mga kapatid sa panulat nang minsang nagpatawag siya ng malaking press conference.

Hindi kami kasama sa event na ‘yon kaya ito ang istoryang nakarating sa amin after the press conference.

“Grabe. We felt so degraded lalo na nang nagpa-raffle siya ng plantsa, rice cooker, maliit na coffee maker at kung anu-ano pang mga maliliit na bagay. Feeling kasi namin, mga grade schooler kami dahil sa pina-raffle niya,” simulang panlalait ng kausap namin.

“Pero hindi ‘yon ang worst, e. Kasi, after niyang magpa-raffle ng ilang mga prizes, bigla siyang nag-decide na magbigay ng ilang tigwa-wan thou sa mga hindi nanalo. Hindi lahat, nabigyan ng kanyang wan thou pero ang nakaloloka, pinabayaan niyang magkagulo ang mga kapatid na parang palengke. Tapos, parang masaya siya sa nangyayaring pagkakagulo.

“Parang ine-enjoy niya ‘yon. Marami rin ang umuwing luhaan na hindi nakakuha ng pinamigay niyang wan thou dahil limitado rin pala. Pero sana naman, ‘wag na niyang ipagyabang sa presscon na marami siyang nagawang bills dahil kapag nakikita namin sa TV ang kanilang session sa senate, lagi siyang nakaupo.

“Tapos sasabihin pa niya na kaya siya hindi gumagawa ng pelikula, dahil ayaw niyang makatapat ang movie ng isa pang actor-politician. Isang malaking echos ‘yon dahil ang totoo, sobrang nilalangaw ang kanyang pelikula.

“Totoo ‘yon. Kahit na itanong n’yo pa sa kabayong lagi niyang kasama,” sabi pa sa amin ng isang kapatid sa panulat na nagbigay pa ng clue.

Kung kami naman ang tatanungin, ke maliit o malaking appliances ang ibigay, tanggapin natin dahil kusang-loob ‘yon na ibinigay pero at the end, maging matalino na lang tayo sa pagde-decide kung sino ang iboboto kasi alam naman natin kung sino talaga ang nagtatrabaho at ‘yung dumi-display lang, hendehvah, mga Kabalen?

IDENTIFIED ANG SEXY celebrity comedian na si Janna Dominguez sa ABS-CBN dahil siya ang pumangalawa sa nanalo sa Pinoy Fear Factor. Pero may nakarating sa aming tsika na bukod sa pagge-guest sa Cool Center ay nag-apply rin siya bilang co-host sa Eat… Bulaga!

Bukod du’n, nagte-taping na rin daw si Janna sa isang sitcom sa GMA-7 kasama si Michael V at si Anjo. Kaya siguro naman, e, puwede na nating sabihing wala na siya sa Dos.

Kung mapapansin natin, laging kasama si Anjo sa tatlong programang nabanggit kaya kung magwa-wan plas wan tayo, puwede nating isipin na may kinalaman ang actor-politician sa pagpasok ni Janna sa Siyete.

At kung meron mang kinalaman si Anjo, sana nga, wan hundred percent pure na pagtulong kay Janna ang kanyang ginagawa at walang halong churva. Kasi, meron pa ngang nali-link na EB Babes Stephanie sa kanya, e.

Hindi naman siguro gusto ni Anjo na uminit ang ulo ni Jackie Manzano sa kanya, ‘di ba?

GUSTO LANG NAMING bigyan ng credit ang mga taong nasa likod ng child star na si Julian Trono. Why?

Dahil wala pa siyang isang taon sa industriya pero bukod sa naging regular siya sa dalawang seasons ng Daisy Siete, e, meron pa siyang hosting job ngayon sa Tropang Pootchie sa QTV11 at kasama rin siya sa Sunday show na Zooperstar.

Bukod du’n, natalbugan din niya ang 800 na batang nag-audition, na ‘yung iba, e, may mga pangalan na, para masungkit ang napakagandang role na isa sa tatlong bata sa Panday Kids.

Lucky nga si Julian at unti-unti na rin siyang nakikilala at nagkakapangalan. Kaya lang, true ba ang nabalitaan naming at his age na 12, e, may nagpaparamdam nang mga bading sa kanya?

Siguro naman, pakikitunguhan niya ng maganda ang mga ito pero never naman niyang papatulan or else, magagalit sa kanya si Mother Joy.

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

17 thoughts on “Janna Dominguez, lumipat na sa Siyete dahil kay Anjo Yllana?!

  1. JOEY SARMIENTO, Journalist ka, obviously, ang ethics mo as journalist ang lalong nagpapababa sa ibang natitirang malinis na journalist. lalo mo pang pinapakita na ang mga journalist diyan sa maynila eh suhulan lang. nagbabalita dahil sa 1 thousand o appliances na paraffle na yan. kaya nawawalan na ang respeto ng ilang mga tao at opisyal sa mga two sa fourth estate dahil sa ganyang attitude. kung may corrupt na pulitiko, talamak din ang bayarang journalist.

  2. Haist naku, hindi na lang kaya magpasalamat ang mga PRESS people na to, sobrang dada. Kapag walang LAGAY may reklamo kapag merong lagay may puna., pasalamat na lang kau at binigyan kau kahit plantsa iba nga jan di kau maalala bigyan kahit kapiraso kendi…

  3. to da press pipol sala sa init sala sa lamig pag wla abot lait d2 lait dun nabibigay nat lhat laitin ever parin hayz …hirap tlga pumili ng iboboto kc haloz lahat ng 2matakbo di pure ang hangarin khit pag icipan pa ng 100 billion tymz naku hirap mkapili ng tapat at my k sana gabayan ni God ang mga botante n pumili ng karapatdapat at sa mga mahahalal na gawin ang kanilang trabaho ng abot ng kanilang mamakaya ng buong tapat ng wlang nilalamangan/kinukurakot at pinapatay..

  4. si lito lapid yun. sya ang actor politician na artista at laging nakasakay sa kabayo sa mga lumang pelikula nya. gosh, wala namn syang nagawa sa bansa at nakakahiya pa kasi ng ininterview sya dati para sa pagdalaw sa white house ang sabi nya gusto nya magpapicture kasama si obama. e di ayun, lalo nyang di nakita si obama. hehehe

    • HINDI NGA KAYO NAG BABASA NG MGA PAMBANSANG BALITA… MAS MARAMING HAMAK ANG NAGAWANG BATAS SI LITO KESA KAY NOY NOY.. Yung latest nga para sa pagbibigay ng tulong ng mga ABOGADO SA MGA MAHIHIRAP na hindi kayang bumayad ng magagaling na abogado ay naisabatas na at iyon ay akda ni lito lapid.

      yung RH ba yun o tungkol sa batas na nag reregulate o nagpapababa sa mga presyo ng gamot na nasa batas na inaangkin ng buo ni mar roxas hindi naman sya ang totoong may akda. e dun na ako sa hindi maingay at inaakala ng marami na bobo at tatahimik tahimik lang pero mas marami pang nagawa palang batas. kay lito lapid na

      • LOVE IT, paano maipapasa ang lahat ng batas na inakda ni NOYNOY eh hinaharang ng ADMINISTRASYON!

        natural lang na maraming maipasang batas (kung talagang marami nga!) si lito lapid dahil tuta siya ng administrasyon ni PGMA! siyempre ang ipagngangalandakan ng administrasyon eh maraming nagawa ang mga member nila compare sa oposisyon! paano nga hinaharang nila!

        ‘yan ba ang pinagmamalaki mong gobyerno? ang administrasyon ni PGMA na may silent “martial law?” punung-puno ng kurakutan, kasinungalingan at nawawalang mga mamamayan?

      • kung totoo yan bakit di dalhin sa korte, wala pang napapatunayan.

        mahirap makinig sa mga paninira lang ng oposisyon para lang manalo sa puwesto.

      • majority ang anti administration sa senate so di reason yun bakit nahaharang ang mga “batas” ni noynoy…also, kahit mga resolutions or mga bills bago maging laws eh walang napasa si noynoy…kung baga, bago pa maharang at pagbotohan na “batas” wala rin si noynoy nun

      • paano nga nangungulangot, nakatingin sa kisame at nag bibilang ng butiki. at kung minsan nag iimagine na sahuran na.

        nasaan yung mga pork barrel nya for 9 years sa kongreso at senado. wala man lang nagawa sa lugar nila kundi yung masaker sa hacienda luisita.

        nasaan ba si noy noy during the edsa revolution? at least ang ina nya after the revolution humabol.

  5. lito lapid? kasi naman kung may natitira pa syang delikadesa sa katawan, ano ba nagawa nya sa loob ng anim na taon sa senado para umupo pa sya ng anim na taon pang muli?

  6. Lito Lapid din hinala ko. Wala namang utak ‘yan kaya akala niya, eh, nakaka-engganyo ang pampalengkeng raket niya.

    Brainless jologs politician voted in by equally idiotic palengkeros. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.