Janna Dominguez is falling in love with Iwa Moto’s ex-boyfriend Mickey Ablan

 

EH, PAANO NGA ba namang hindi mahuhulog ang loob ng isang Janna Dominguez sa isang Mickey Ablan eh, nuknukan naman pala sa pagka-gentleman ang nagmula sa may sinasabing angkan’g mixed martial arts enthusiast din.

Sabay naming nakaharap ang dalawa sa Mga Obra ni Nanay Art Gallery ni ‘Nay Cristy Fermin. At doon din namin nalaman na nakaharap na pala ni Mickey ang tatay ni Janna nang dumalaw ito sa ta-hanan ng dalaga.

At agad niyang nasagot ang tanong ng tatay ni Janna sa kanyang intensyon dito.

Si Mickey ang bale ex ngayon ni Iwa Moto. Na kelan nga lang eh, napabalitang nagkagulo nang dalawin ito ni Mickey sa taping niya para kausapin. May insidente pa rin na nasira ni Mickey ang pintuan kung saan nakatira si Iwa at housemate nitong si Justine Ferrer. Kaya ang ending, may demanda ang Justine kay Mickey for trespassing, scandal at malicious mischief. Na sabi naman ni Mickey eh, haharapin niya, kahit handa naman siyang humingi ng apology at ipagawa ang anumang nasira niya.

Maraming paglilinaw nang makaharap namin ang dalawa. Na, hindi si Janna ang sanhi ng natapos na apat na taong relasyon nina Iwa at Mickey. Na matagal na silang magkaibigan ni Mickey. Na si Mickey naman eh, walang masamang masabi sa kanyang ex. At inako pa nga nito na siya ang mas may kasalanan sa paghantong ng relasyon nila sa wala. ‘Yun nga lang, kung balikan ang pag-uusapan eh, hindi na raw ito mangyayari.

Hindi rin daw magiging love on the rebound kung sakali ang lalo pa nilang pagiging malapit sa isa’t isa ni Janna.

Kung sa kabila raw ng mahabang panahon eh, hindi pa rin sila ni Iwa ang naging magkapalad, inaako na ni Mickey na siya na ang may pagkukulang. Dati’ng na-link din siya sa aktres na si Jodi Sta. Maria, pero pinabulaanan ni Mickey na nagkaroon sila ng relasyon.

Si Janna naman na masaya na ngayon sa takbo ng kanyang career after ng Pinoy Fear Factor eh, nasa GMA-7 at kahit marami rin ang mga pangalan ng mga lalaking naikabit sa kanya at naging biktima rin ng mga hindi magagandang isyu, hindi naman ‘yun tinitingnan ni Mickey, na hindi maikakailang in love ngayon sa dalaga.

 

NAKA-TSIKA NAMIN SI Kuya Ipe (Phillip Salvador) sa isang birthday party at naikuwento nito sa amin ang ilan pang nalaman niya sa nangyari sa kanyang pamangking si Ricky Rivero, na sinaksak kailan lang.

Sa dagdag na kuwento ni Kuya Ipe sa mga nabalitaan na natin, gulat nga raw siya sa lakas ng loob ni Ricky.

Na nang maganap ang nasabing insidente eh, nakuha pa raw na maligo at tingnan ang mga tama nito sa katawan. At nang lumabas ng banyo eh, nandoon pa ang salarin. At nakuha pa raw nitong tanungin kung sasaksakin pa ba siya nito. Si Ricky ang nagdala sa sarili sa ospital kaya agad siyang nalapatan ng lunas sa mga tinamong tama sa katawan.

 

NASA EUROPA ANG comedian-singer-host na si Arnell Ignacio. At siya raw ang kinatawan ni Ma’am Wilma Galvante ng GMA-7 para mag-ikot doon at palaganapin pa ang mga programa ng nasabing istasyon sa sari-saring bayan doon, gaya ng UK.

Kaya, iniwan muna pansamantala ni Arnelli ang kanyang hosting job sa radio program niya sa Inquirer. At iniwan din muna niya ang sakit ng ulo na idinulot nga sa pagkakaroon pa niya ng kaso dahil sa kanyang mamahaling sasakyan.

Kaya, isinabay na rin ni Arnelli ang pamamasyal sa kanyang pagtungo sa bayan ni Queen Elizabeth, nang maibsan naman daw ang sakit ng ulo niya sa mga bumuwisit sa ikot ng buhay niya.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.