Janna Dominguez has rich benefactor?

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

IPINALABAS SA SHOWBIZ News Ngayon (SNN) nu’ng Miyerkules nang gabi ang panig ni Janna Dominguez tungkol sa pagkakaroon niya nang tatlong sasakyan, Toyota Altis, CRV at black Montero na nasulat namin dito sa Pinoy Parazzi nu’ng Lunes.

Bulong kasi sa amin ng aming source na may benefactor si Janna dahil nga bukod sa tatlong sasakyan, may bagong bahay at lote pa siya sa Antipolo.

Ayon sa produkto ng Pinoy Fear Factor, isa lang daw ang sasakyan niya, ang CRV na hinuhulugan pa lang niya nang dalawang taon dahil ‘yung Toyota Altis daw, hiniram niya sa step mother niya. Hindi nabanggit ang black Montero at bagong bahay dahil nakalimutan daw itanong ng taga-SNN.

Napanood din pala ng aming source ang pagdi-deny ni Janna kaya sunud-sunod na text messages ang natanggap namin habang umeere ang SNN, “Sobra! She’s a liar, grabe talaga. Well, sino ba naman ang aamin, ‘di ba?”

Hindi na namin isinulat ‘yung iba pang mensahe sa amin dahil tiyak na itatanggi na naman ni Janna. Siguro nga tulad ng sinabi niya, nagtatrabaho siyang mabuti para mabili ang anumang mayroon siya ngayon at galing iyon sa pagod niya.

Pagbutihin na lang niya ang pagpasok niya sa showbiz para mas lalong gumanda ang buhay niya at mabili pa niya ang lahat ng gusto niya.

NASA PILIPINAS PA pala si Champagne Morales? Kaya namin nasabi ito, pumirma siya ng dalawang taong kontrata under Ms Veronique del Rosario-Corpus at gusto raw niyang bumalik sa hosting job at siyempre buhayin ang singing career niya.

Naaliw nga kami dahil si Champagne raw ang bagong discovery ng Viva Artist Agency. E, sabi namin, matagal na siyang artista at lulubog-lilitaw ang drama niya.

Anyway, ayon naman kay Ms Veronique, marami silang cable shows at bagay doon si Champagne mag-host at from there ay baka muling mapansin ang comebacking artist at kunin uli siya sa isang daily show.

“Malay natin, baka mapansin ulit siya, bagay din siya sa corporate shows, maraming puwedeng paglagyan si Champagne kasi mahusay siyang magsalita,” say ni Ms Veronique sa amin.

HINDI NAMIN INI-EXPECT na mahilig pala sa one night stand ang kilalang young actor dahil nu’ng gumimik siya kasama ang mga kaibigan sa isang malayong bayan, bigla siyang nawala sa umpukan kasama ang isang batang babae na ayon sa tsika ay ‘regalo’ raw sa kanya ng isang negosyanteng kaibigan.

Naimbitahan daw kasi sa isang mayamang probinsiya ang young actor kasama pa ang ibang artista at dahil tapos na ang show, gumimik sila. Dahil natuwa ang negosyanteng nag-imbita sa batang aktor, binigyan nga siya ng magandang babae.

Ayon sa kuwento sa amin, “ang ganda nu’ng girl, walang binatbat si (ka-loveteam ng young actor), sexy at ang puti at ang kinis, bagay na mag-artista. Actually, sinabihan nga si girl na mag-try sa showbiz, mukhang papasok nga.”

Anyway, mukhang masusundan ang pagkikita nina young actor at ng girl dahil nu’ng magpaalaman na raw, nagsabi ang una ng, “ingat ha? Hintayin mo tawag ko.” At nabanggit sa mga kaibigan ni batang aktor na, “may dating siya sa akin, pare, mukhang puwede ko siyang seryosohin.”

Ang tanong, paano na ang ka-loveteam na balitang girlfriend na niya at ang iniingatan nilang career?

loading...

One thought on “Janna Dominguez has rich benefactor?

Leave a Reply

Your email address will not be published.