Janine Gutierrez, super saya ng pasko dahil kay Rayver Cruz

Janine Gutierrez

SA AMERIKA nag-Christmas vacation si Janine Gutierrez kasama ang boyfie na si Rayver Cruz. Unang Christmas vacay ito ng dalaga sa Amerika with her boyfie na syempre, kasama ng dalaga ang kanyang Daddy Monching and her siblings.

Isa sa mga dinalaw ni Janine at Rayver sa kanilang bakasyon ay ang LACMA at Disneyland.

Masaya ang US Christmas vacation ni Elise (her character) in the film na pagsasamahan nila ni Enchong Dee na produced ng Regal Films na showing na come February 6 sa direksyon ni Joel Ferrer lalo pa’t love ni Janine ang mga kasama niya sa happiest moment of the season. (Rayver and her family).

Amindano ang dalaga na mas nakilala nila ni Rayver ang isa’t isa lalo pa’t kasama ang pamilya niya.

Rayver Cruz and Janine Gutierrez

Mas in-depth ang pagkakakilala nila dahil mas may time sila kasama sa bonding ng dalaga with her siblings. Mas nakilala ng ama at mga kapatid niya si Rayver na malamang sa hindi at kung walang aberya ay ang binata na rin ang kanyang mapapangasawa in the near future.

Lalo pa’t okey naman sa inang si Lotlot de Leon at sa ama at mga kapatid si Rayver, kina Janine at Rayver na nakasalalay kung ang pagiibigan nila ng dalaga ay mauuwi sa pagharap sa altar ni Janine.

Janine Gutierrez and Enchong Dee in ‘Elise’

Sa pagbabalik ng dalaga mula sa bakasyon ay puspusan naman ang atensyon niya sa promotion ng kanyang first major film na Elise kung saan naka-focus ang kuwento ng movie nila ni Enchong sa karakter niya na based sa totoong pangyayari na ipapalabas na sa next month.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “Janine Gutierrez, super saya ng pasko dahil kay Rayver Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.