Janine Gutierrez, nagregalo ng sapatos kay Elmo Magalona

Elmo-Magalona-Janine-GutierrezANG SWEET naman pala ni Janine Gutierrez na nagbigay ng Nike na running shoes bilang birthday gift kay Elmo Magalona.

Sinilebrayt ni Elmo ang 20th birthday niya nu’ng Linggo, kung saan nagkaroon lang daw ng simpleng dinner kasama ang pamilya niya. Pero pagkatapos ng dinner, nagkita sila ni Janine at doon na nga binigay sa kanya ang birthday gift na sapatos.

Matagal na palang gusto ni Elmo na magkaroon ng ganu’ng running shoes, at hinanap pala talaga ni Janine ‘yun para bilhin para sa ka-loveteam niya sa Villa Quintana.

Kung may gift si Janine para kay Elmo, wala naman si Julie Anne San Jose.

Binati naman daw niya si Elmo nu’ng magkita sila sa Sunday All Stars, pero wala siyang naibigay na regalo.

Inamin naman niyang kung magka-loveteam pa rin sila, malamang na meron siyang naibigay na regalo. Pero okay pa rin naman daw sila, ‘yun nga lang wala na silang komunikasyon sa ngayon.

Masaya naman daw siya para kay Elmo na nag-hit ang loveteam nila ni Janine.

Mukha namang happy si Julie Anne na walang ka-loveteam at busy sa kanyang singing career.

Kinukuwestiyon pa nga ang pagkakaroon niya ng 9 times na platinum sa album niya. Pero sabi naman ng young singer/actress, wala siyang magagawa kung kinukuwestiyon ito. Basta nagpapasalamat daw siya sa lahat na tumangkilik sa kanyang bagong album.

May dagdag pa nga siyang achievement dahil siya ang bagong endorser ng Careline beauty products.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Janine Gutierrez, nagregalo ng sapatos kay Elmo Magalona

  1. ang mga starlets n papansin! If i know kangkangan to the max mga yan lalo pa n liberated nmn si janine. Si elmo for sure pinagsasawaan nya ngaun si janine since hndi nya nlaspag ng husto si lauren. ahhha

Leave a Reply

Your email address will not be published.