Janine Gutierrez, kabadong ipinareha kay Alden Richards sa ‘Victor Magtanggol’

Janine Gutierrez and Alden Richards for Victor Magtanggol

AMINADO si Janine Gutierrez na kinabahan siyang makipagtrabaho kay Alden Richards sa GMA telefantasya na Victor Magtanggol.

Aniya, “Ninerbyos lang po ako, siyempre dahil napakalaking project po kaya kinabahan po talaga ako. Pero at the same time, honored po ako na ako yung inalok ng ganito pong klaseng role at ganito kalaking project.”

Isa pa raw sa nakadagdag ng kaba sa kanya ang ang Aldub fans na baka ayaw sa kanya dahil very much identified nga si Alden kay Maine Mendoza.

 “Siyempre naisip ko po yon. At ayoko talaga na may masaktan or  may magalit o maraming ma-disappoint. Sobrang kinabahan din po talaga ako tungkol don.”

Naba-bash ba siya ng Aldub fans?

“Actually, wala pong masyado. Nagpapasalamat po ako talaga na wala masyado at marami talagang sumusuporta. Ramdam na ramdam ko yung suporta ng mga supporters ng GMA, mga Kapuso brigade, mga tagahanga ni Alden na talagang napakabait sa akin. So, sobrang thankful po talaga ako ngayon,” pag-amin pa niya.

Magsisimula nang ipalabas ang Victor Magtanggol sa GMA sa Lunes, July 30. Kasama rin sa telefantasya sina Andrea Torres, Dion Ignacio, John Estrada, Coney Reyes at marami pang iba. Sa direksyon ito ni Dominic Zapata.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Janine Gutierrez, kabadong ipinareha kay Alden Richards sa ‘Victor Magtanggol’

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.