Janine Gutierrez, inaaway ng fans ni Julie Anne San Jose

Janine-GutierrezANG LAKAS pala ng dating nitong loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na napatunayan namin nu’ng mag-guest sila sa Startalk nu’ng nakaraang Linggo.

Pagkatapos daw ng guesting na ‘yun, pinutakti raw ng pamba-bash si Janine mula sa mga fans ng JuliElmo at pati na rin kay Julie Anne San Jose.

Lalo na ngayong pinag-uusapan pa rin sila, dumami raw ang nagagalit kay Janine na mga fans ni Julie Anne.

Dati raw ay iniiyakan pa ito ni Janine, pero ngayon hindi na raw siya apektado at siguro nandiyan si Elmo na nakasuporta sa kanya.

Halata namang sila na eh, pero hindi pa rin sila umaamin dahil siyempre nakatutulong sa promo ng Villa Quintana.

Ang irita raw nang husto sa pang-aaway kay Janine ay si Lotlot de Leon. Pati nga yata si Julie Anne ay nadamay dito dahil minsan daw inirapan ni Lotlot itong si Julie Anne. Kaloka, ha!

 

SA LINGGO na pala ang alis nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado patungong Holy Land.

Ang nakakaintriga rito, kasabay nga nila sina Dra. Vicki Belo at si Hayden Kho na active din sa church nila.

Natawa na lang si Sen. Bong kapag tinatanong ito sa kanya. Sa kanya raw wala na ‘yun.

Si Vicki yata ang hindi pa rin nakalimot dahil nga sa pagtanggal ng lisensya ni Hayden.

Pero siguro rito sa biyahe nila pa-Holy Land, baka magkaayos na sila at magkalimutan na.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.