Janine: akala ko, ako na ang mananalo

NGAYONG TAPOS na ang 61st Miss Universe pageant na ginanap sa Las Vegas Nevada, nakahinga na umano nang maluwag si Janine Tugonon.

Tinanghal ang 23-year-old Bataan beauty bilang first runner-up habang kinoronahang Miss Universe 2012 si Mis USA Olivia Culpo.

Sa isang panayam, inamin ni Janine na umasa siyang masusungkit ang Miss Universe crown matapos naramdaman na may pag-asang manalo ang Pilipinas lalo’t sila na lang ni Culpo ang hindi pa natatawag.

Katunayan, nagdasal pa raw ito sa huling minuto bago ianunsyo kung sino sa kanila ni Miss USA ang mag-uuwi ng prestihiyosong korona.

Gayunman, inihanda na rin daw nito ang sarili sakaling hindi makamit ang Miss Universe title.

Sa kabila ng munting panghihinayang sa abot-kamay nang tagumpay, masaya naman daw si Tugonon sa kanyang pagiging first runner-up.

Aniya, hangad nitong maging masaya na rin sa kanya ang mga kababayang Pinoy.

“Of course, I wanna be honest. Oo naman siyempre naisip ko ‘yun, may pag-asa ang Pilipinas pero at the same time siyempre inihanda ko rin ang sarili ko na hindi. Parang 50-50, dapat nag-expect ka ng best, pero at the same time humble ka rin to accept na hindi ka mananalo,” ani Tugonon.

Babawi naman daw ngayon ang bagong Pinay pride sa pagkain, paglilibot, at higit sa lahat, sa pagtulog, matapos naging abala sa pageant trainings.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

13 thoughts on “Janine: akala ko, ako na ang mananalo

  1. INDAY MAS MAGALING SUMAGOT SI MS.AUSTRALIA SAYO AT CHARMING SIYA HA AT MAGANDA RIN ANG HEIGHT NIYA. KAYA TAMANG TAMA LANG NA FIRST RUNNER UP KA. PERO NATALO KA NG CHRISTMAS TREE NA NAGKATAWANG TAO HAHAHA.. KALUKA MALIIT PALA ITONG SI MS. USA BUTI NA LANG ANG HAIRDO NG LOLA MO BONGGANG BONGGA KAYA TUMAAS NG KONTI ANG HEIGHT KAYA LANG BOPOLS SUMAGOT HAHAHA..

  2. Congratulations, Ms. Tugonon! You represented your country well! I am Filipino-American so I wanted you and Ms. USA to win. She should’ve been 1st runner up and you should’ve won the Ms. Universe crown. Your beauty, grace, stage-presence, and answer in the Q&A portion put you above Ms. USA. I wish you all the best! I believe this is only the beginning for you. You have the beauty and the brains. I’m sure you will be successful in whatever career you choose to pursue.

  3. Sabi nga ni Kris Aquino, sinuwerte ang Binibining Pilipinas organization sa Miss U simula ng lumipat sila sa ABS-CBN. Ang galing lang.

    • Alalahanin mo na si Venus Raj ay sa channel 7 nanalo at hindi sa channel 2. Hindi ang pag lipat ng Bb.Pilipinas kung baket swerte tayo ng sunod-sunod na taon kundi si Venus ang nagdala ng swerte sa Bb.Pilipinas.

  4. sayang tlaga kc gahibla nlng ikanga at andun na pero gnun cguro tlaga kung pra syo e pra syo tlaga… but wer still very proud of u…u showed agen 2da whole world wat a tru filifina beauty is!!

  5. natutuwa kami para sa iyo janine at napansin din kasi namin na napkasimple mo at walang yabang sa sarili.kasi habang kinakausap ka sa anc ng english ay talagang tagalog at parating may po ang sagot mo. very proud kami sa yo

Leave a Reply

Your email address will not be published.