Janina San Miguel, ‘di inagaw si Tonyboy kay Gretchen Barretto – Gorgy’s Park

ISA SI BARON Geisler sa mga artistang kasali sa pelikula ng Golden Lion Films na Pangarap Kong Jackpot na dumalo sa pa-presscon nito kamakalawa na ginanap na Astor Hotel sa Makati na pag-aari pala ng dating PCSO Chairman Manoling Morato.

Pinasagot namin kay Baron ang tungkol sa nakaambang na kasong isasampa sa kanya ni Yasmien Kurdi.

Ililipat na raw ni Yasmien sa DOJ ang kaso laban kay Baron at hinihintay na lang daw nito na maayos lahat ng abugado niya.

“Wala pa naman akong masasabi diyan. Hintayin na lang natin. Haharapin naman namin ng abugado ko iyan,” sagot ni Baron.

Lalong nagalit daw si Yasmien dahil itinatanggi pa raw ni Baron na patuloy niya itong tini-text ng mga kabastusan.

“Una, matagal nang nawala ang phone ko kaya paano ko siya mate-text ng ganu’n? Hindi ko na alam ang cell number niya.

“Never ko ginagawa iyan sa mga babae, kahit sa girlfriend ko. Kaya hindi po talaga totoo iyan,” patuloy ng aktor.

Sobrang napasama raw siya ng mga ganu’ng isyu kahit wala naman daw siyang ginagawa.

“Kahit nga nu’n sa shooting namin sa Bohol, nagmagandang loob lang ako na bumili ng parrotfish para ipaluto ko para kina Mother Lily at kay direk Maryo J, tapos ang lumabas dito pinaluto ko raw ang parrot. Yung mga ganu’ng maling balita ay lalong nakakasama sa akin,” himutok nito.

Sana tigilan na raw siya sa mga ganung paninira dahil wala na nga raw siyang ginagawa.

Nagpapasalamat na lang daw siya sa mga producer na patuloy pa ring nagtitiwala sa kanya kahit nasisiraan siya ng mga ganu’ng balita.

Sa takbo ng mga pangyayari, malabo nang magkaayos sina Baron at Yasmien dahil galit pa rin ang young actress at pursigido itong ituloy ang kaso laban sa aktor.

NAKAW-EKSENA SI Janina San Miguel sa presscon ng Celebrity Duets nu’ng nakaraang Lunes na nasa Season 3.

Walang patumanggang Englishan ang pinakawalan ni Janina kaya kung hindi man ito magwagi sa Celebrity Duets, tiyak na pasok na pasok siya sa comedy.

Wala siyang pakialam na paglaruan ang mga mali-maling English niya noon sa Binibining Pilipinas kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga reporters na dumalo sa presscon na iyun.

Sabi ni Janina, patutunayan daw niya ngayon sa Celebrity Duets na tatagal siya hanggang sa finals, hindi gaya ng mga nakaraang beauty queen na sumali sa programang ito.

Doon sa presscon ay sinagot ni Janina ang isyung inili-link siya kay Tonyboy Cojuangco.

Sa totoo lang, wala naman talagang katotohanan ang isyung iyun dahil kasama ang inyong lingkod sa pa-dinner na iyon na kung saan nagkita sina Janina at Tonyboy.

Kasama noon ni Janina ang manager niyang si Manny Valera at ang handler nito, at nandu’n din sa dinner na iyun ang reigning Ms. Philippines Earth na si Sandra Seifert.

May nilulutong programa noon para sa TV 5, kaya bukod kay Mr. Cojuangco ay nandu’n din ang ilang executives ng TV 5 na ginanap sa yate ng isang malapit nilang kaibigan na willing mag-co-produce sa ipu-produce na programa.

Hindi nga lang nagkatuluyan dahil ang balak pa noon ni Janina at sumali sa Suvivor Palau, na hindi rin tinuloy dahil nagkasakit daw.

Hanggang sa nakaalis kami, hindi man lang nakausap ni Mr. Cojuangco si Janina nang sarilinan o hindi man lang namin nakitaan na interesado ito sa dating beauty queen.

Kaya unfair naman ito kay Mr. Cojuangco na nagagamit siya nang husto para mapag-usapan lang si Janina.

Anyway, balik sa Celebrity Duets, bukod kay Janina mukhang lalaban nang husto hanggang finals sina Joel Cruz, Mikaela Bilbao, Nonito Donaire Jr. at Jomari Yllana.

Hindi rin naman daw pababayaan ng mga supporters nila sina Gina Alajar, Akihiro Sato at Niccolo Cosme.

Sa Sabado na magsisimula ang Celebrity Duets season 3 pagkatapos ng Wish Ko Lang.

By Gorgy’s Park

loading...

7 thoughts on “Janina San Miguel, ‘di inagaw si Tonyboy kay Gretchen Barretto – Gorgy’s Park

  1. sa panlalait nyo kay janina, mas nasasaktan ang mga masang pinoy, nawawalan 2loy ng lakas ng loob ang mga tao dhil sa kagagawan din ng kapwa pinoy nila, mana p americano msarap kausap ng english kc importante sa knila naiintindihan nila sinasabi ng pinoy.

  2. hindi to papatulan ni tonyboy kasi bobo ang babaeng to. si gretchen d man ganun ka talino pero wise kita mo lahat ng iskandalo sa kanya nadidiskartehan nya. eh itong si janina maglalaho lang tong bigla iiwan sa ere si tonyboy. at kung maging unfaithful sya kay tonyboy huli agad sya kasi aaa…eee… lang ang sagot nya. example:
    tonyboy: where have you been, its 2 in the morning.
    janina: aahh..eehh.. where do i have been? ahh ive been to ahhh. please refeat the questions.

    o d ba panalo sa kabobohan! hahahahahaha!

  3. yabang naman ni janina eto na naman siya. baka pagdating ng kalagitnaan ng contest bigla siyang nagback-out dahil kesyo may namatay p nagkasakit na kamag-anak. sana patunayan niya yung mga pinagsasabi nya di yung puro siya dada. wala siyang isang salita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.