Janice de Belen, ramdam ang tensyon sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador

DINALAW NAMIN ang location shoot ng Raketeros sa paanyaya ni QC Mayor Herbert Bautista sa Himlayang Pilipino kamakailan. Nadatnan namin du’n si Bistek at iba pang kasama sa pelikula na sina Janice de Belen, Ogie Alcasid, Dennis Padilla, Long Mejia at Cherry Pie Picache. Simpleng-simple si Bistek na humarap sa amin at nakipag-tsikahan.

“Na-miss ko talaga ang pag-arte especially ang pagpapatawa. ‘Eto, I’m back at nakakatuwa dahil bale reunion namin ito nina Dennis, Andrew E, at Joey Marquez. Matagal na ‘yung movie namin na magkakasama kaya masaya kami nu’ng finally eh, magkasama-sama ulit.” umpisa ni mayor sa aming tsikahan sa kanya.

Si Randy Santiago ang direktor ng naturang pelikula at naitanong namin kung kumusta naman si Randy bilang direktor?

“Okey si Randy, he has the eye!” patawang sagot  ng actor-comedianne cum politician. “Hindi, kidding aside, magaling si Randy. Alam naman natin na okey ang background niya, naging AD (Assistant Director) siya ng tatay niya noon sa mga pelikula, sa TV din at nagdidirek din siya ng mga events, ‘di ba?

“One more thing, comedy itong ginagawa namin eh, komedyante iyan si Randy eh, mga komedyante rin kaming magkakaibigan kaya masaya kami sa set.”

Ang younger sister pala niya na dati ring nag-aartista na si Harlene Bautista ang producer ng Raketeros. At ayon kina Dennis at Long na nakausap din namin, big production ito. Katunayan, for that scene alone on that day sa funeral, mahigit kalahating milyon agad ang gastos nila. Sabi ni Mayor, June ang target date nila para maraming manood. Nakapag-enrol na raw ang mga estudyante kaya may extra money na si Nanay at Tatay  kasama na rin ang buong pamilya.

 

SUNUD-SUNOD NA iling at kunot ng noo ang ibinigay na reaksyon sa amin ni Ogie Alcasid  sa tanong kung kelan siya lilipat sa TV 5? Tangging-tanggi ang singer-composer-actor sa alingasngas na iyon na kalat na kalat na sa showbiz. Sabi pa, paglipat niya, kasunod na rin si Regine Velasquez.

“I’m still with GMA 7 and  I still have contract with them until June. Walang mga ganyan. Siguro tanungin n’yo na lang ang manager ko, si Leo Dominguez, kasi wala akong alam tungkol d’yan.

“Well, of course, there are offers from other network, open naman, but like what I’ve said, I’m still with GMA-7 and I’m with them for 18 years. And throughout those years, they’ve been very supportive with my career. And I’m happy and thankful naman sa kanila. May Bubble Gang ako, Party Pilipinas, and in  fact, I will be doing a new show, ‘yung Laban Na!. Mga bagets naman ang makakasama ko,” sey ni Ogie.

Nabanggit din ni Ogie na magkakaroon sila ng repeat ng Foursome concert nila ni Regine with Pops Fernandez at Martin Nievera come March. Super dami raw kasi ng request na ibalik nga ang show. Nasabi rin ni Ogie na nagdadasal sila ni Regine na bigyan pa ng isang anak habang kaya pa ng misis niya. Malaki na raw si Nate at p’wede nang sundan kung ibibigay sa kanila. Pero kung hindi naman, since Regine is 43 na, happy pa rin sila at mayroon silang isang anak.

 

GINULAT NAMAN kami ni Janice de Belen dahil ang laki na ng nabawas sa timbang niya. In due time eh, babalik na ang dating seksing katawan ng isa sa may pinakamagandang mukha sa movie industry. Gustong magpasalamat ni Janice sa mga trabahong ibinibigay sa kanya, sa TV at sa pelikula at ang araw-araw na trabaho raw at puyat ang nagpapayat sa kanya plus ang mahigpit na pagpili sa kinakain niya.

“Masayang trabaho at masayang mga katrabaho plus masayang kapaligiran, ‘yun lang ‘yun!” unang sey ni Janice. “Ooops… siyempre, masaya rin ang buhay, walang stress masyado…” nakatawang hirit pa niya.

Anyway, inusisa namin ang aktres tungkol kina Maja Salvador at Kim Chiu, since kasama niya ang dalawa sa Ina Kapatid, Anak, totoo ba ang away ng dalawa?

“Hindi kasi ako mahilig mangialam sa personal na buhay ng tao kaya hindi ako nagtatanong sa kanila. Iba siguro kapag may lumapit sa akin at humingi ng advice… magkuwento… du’n siguro… magbibigay naman ako o kakausapin ko ang mga taong invloved. Pero hangga’t maaari, ayokong makisali or makialam, eh. Baka mamya, imbes na makatulong, makagulo pa ako.

“Pero napapansin ko… namin… sa set na may tensyon du’n sa dalawa. Pero kung anuman ‘yun, it never affects the story or sa eksena. Both Maja and Kim are professionals at ‘pag take talaga, wala kang mararamdamang may tensyon or what… mahusay silang dalawa. As in wala talagang epekto kung anuman, dahil tingnan n’yo naman, ang taas ng rating namin at napakaganda ng story ng IKA at number one kami, huh!” masayang sabi pa ni Janice.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

One thought on “Janice de Belen, ramdam ang tensyon sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador

  1. kaya inaabangan ng mga televiewers ang INA KAPATID ANAK dahil sa mga totohanang sampalan at banatan nina kim chui at maja-rot salvador haha! panalo di ba? dapat totohanin na rin ng ibang artista sa kabilang network ang sampalan at umbagan para mas magrate din sila

Leave a Reply

Your email address will not be published.