Janice de Belen, pinaglaruan sa shooting ng pelikula!

CO-STARS NI Janice si Kim Chiu at Maja Salvador sa teleserye ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak. At parehong naging close na sa kanya ang dalawa kaya hindi maiwasang matanong siya tungkol sa napapabalitang iringan ng mga ito ngayon. Ito ay dahil sa balitang panliligaw kay Maja ni Gerald Anderson na dating ka-loveteam at ex-boyfriend ni Kim.

“Hayaan na lang natin sila,” paiwas na pahayag ni Janice. “In time, I hope things will be fixed.

“But you know, it’s… timing nila. Sila ‘yon, eh.”

Pero hindi itinatanggi ng aktres na ramdam din daw nga niya ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

“Hindi naman yata masyadong natatago,” medyo nangiting sabi ng aktres. “Na… gano’n ‘yong nangyayari.”

Sinasabing mas maingay at tinututukan ngayon ang Ina, Kapatid, Anak nang dahil sa isyu kina Kim at Maja.

Reaksiyon naman ni Janice…  “Bakit sa akin n’yo tinatanong ‘yan? Hindi naman ako sila. At saka hindi naman dahil do’n kaya mas naging interesado na tumutok ang viewers. Maganda naman ‘yong show namin.

“Wala naman sigurong kinalaman ‘yong pag-aaway ro’n. Because even prior to all these happening, maganda naman ‘yong kuwento namin. Maganda naman ang kinakalabasan no’ng show.

“But… you know, I don’t want to talk about it anymore. Hindi naman ako kasali diyan!” nangiting pakiusap niya. “Hindi ako kasali diyan! Artista lang ako do’n sa show.”

“And you know, they’re (Kim and Maja) both very consummate professionals,” sabi pa ni Janice.

May bagong pelikulang siyang inumpisahang i-shoot ngayon. Ito ay ang Raketeros na pinagbibidahan ng magkakabarkadang sina Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Andrew E, at Dennis Padilla.

Kuwela nga ang eksenang inabutan namin na kinukunan sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Pasong Tamo, Quezon City kamakailan. Sa gitna ng madramang confrontation niya being the wife at ni Cherry Pie na mistress ng ililibing ay nasa gitna nila si Ogie at panay ang kanta ng love songs na base sa mga binibitawan nilang linya.

‘Yong guy na extra na nakahiga sa coffin, hawig sa ex-husband ni Janice si John Estrada.

“Nakita ko nga. Pero… deadma naman ako. Isa akong deadma,” nangiting sabi lang ng aktres. “Ewan ko ba sa mga ‘to!” nailing niyang pagtukoy sa production staff ng pelikula. “Parang pinaglalaruan nila ako.”

Eh, kung sakaling si John nga halimbawa ‘yong magpu-portray bilang lalaking pag-aagawan nila ni Cherry Pie, okey sa kanya?

“Ano ba ‘yan?  Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan!” natawa ulit si Janice.  Kasi, he’s (John) not part of the film.”

Hindi pa rin siya ready na makatrabaho si John?

“I’ve said that before.  No.”

So ano ang dahilan at ayaw niyang makatrabaho ang dating asawa?

“Ayoko lang ng ano… hindi naman namin kailangang mag-work together, eh. Huwag na.”

Maganda at blooming siya ngayon. Walang naniniwala kapag sinasabi niyang zero pa rin ang kanyang lovelife.

“Maganda lang kapag may lovelife? Pangit kapag walang lovelife?” natawang reaksiyon niya.

“Sabi nga nila… mas maganda ka nga raw kapag wala kang lovelife, eh. Ha-ha-ha! Kasi wala kang masyadong iniisip. “I just enjoy what I’m going right now.  Okey na muna ako sa ganito.Siguro mas okay akong single.”

Pero hindi naman niya isinasara ang kanyang pinto para sa isang panibagong pag-ibig ulit?

“Siyempre temporarily isinasara ko. Kasi marami pa akong goals. Right now, I’m more goal oriented than I think of any other time in my life.

“I’m goal-oriented now.  Siyempre, ipinapagawa ko ‘yong bahay ko.  So may mga things ako na inuuna.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Janice de Belen, pinaglaruan sa shooting ng pelikula!

    • LIKE KO YANG SI JANICE HA, PERO AMININ NATIN, ISA YAN SA MGA TINAWAG NOON NA SANTA SANTITA PERO MALDITA, HAHAHA. KASI NGA 14 Y/O PA LANG EH NAKIPAG-JOWA NA KAY GABBY. AT ANG MGA QUOTATIONS NYA HA. MERON PA SYANG QUOTATION FOR GABBY NA PARANG ANG BAHAY DAW KAPAG BINABAGYO EH SINUSUHUYAN OR SOMETHING. KALOWKAH! AYUN, NAJONTIS TULOY NANG MAAGA

  1. HABANG TUMATAGAL NGA GUMAGANDA SI JANICE, MAS MAGANDA TALAGA ANG EPEK PAG WALANG LOVELIFE NOH! DAPAT MATUTO RIN SINA KIM CHUI AT SARAG G.

Leave a Reply

Your email address will not be published.