Janice de Belen, okay lang makasama si Priscilla sa bagong serye

Janice-de-BelenSA KRIS TV the other morning, straight forward na sinagot ni Janice de Belen si Kris Aquino tungkol sa pagkakasali ng current wife ng former husband niya na si John Estrada na si Priscilla Meirelles sa bagong serye na kinabiilangan ng aktres at pagsasamahan ng bagong love team nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Pero bago raw kinumpirma ang pagkakasali ni Priscilla, tinanong muna si Janice ng produksyon kung okey sa kanya na walang kagatul-gatol na sinagot niya ng “yes”. Kumbaga, ayaw ng aktres na magkaroon pa ng bagahe the fact na hindi naman si Priscilla ang dahilan ng paghihiwalay nila ni John noon.

Open secret naman kasi na it was Vanessa del Bianco, ang babaeng sumira sa pagsasama nila ni John, na kung alam n’yo lang ang mga kuwento, ta-tumbling ka sa kabaliwan ni Vanessa para lang kalantariin ang aktor. Siyempre lalaki ‘yan, na palay na ang lumalapit sa manok, ano pa nga ba ang magagawa niya kundi tukain ang palay? Pero ang kuwentong ‘yan ay tapos na. Pareho na silang naka-moved on sa kani-kanilang mga pinagdaanan at may mga bago na silang mga buhay.

Who knows, sa pagkakataon na magkasama sina Janice at Priscilla sa taping, hindi kaya si John na ang magiging topic ng usapan nila during taping breaks?

Naikuwento na rin ng aktres na nakaayos na sila ng dating asawa na si John.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleVilma Santos, mas pokus ngayon sa ginagawang pelikula kaysa sa plano sa pulitika
Next articleDawn Zulueta, kuntento na sa kanyang buhay at wala nang hahanapin pa

No posts to display