Janice de Belen, nag-aalala sa maagang pagpapakasal ni Igi Boy Mulach – Gorgy’s Park

Dito sa Pinoy Parazzi n’yo unang nakita ang kasalan ng anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Luigi (Igi Boy) sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Patricia Monique Petil na ginanap sa Munisipyo ng Mendez, Cavite.

Ilang beses kinulit si Aga sa shooting ng pelikula nila ni Regine Velasquez pero hindi ito nagsalita dahil very private naman daw ang anak nila at pareho sila ng girlfriend niya na hindi artista.

Pero anak ito ng sikat na artista kaya interesado ang lahat na malaman ang tungkol sa kasalang ‘yun.

Nakapanayam ng Startalk si Janice at nagsalita siya tungkol sa pagpapakasal ng kanyang anak at ikinuwento nga niya ito sa SIS.

“Everybody knows already na Luigi got married a couple of weeks ago and siyempre ‘pag magulang ka may fears ka, eh. May sarili kang fears, winu-worry mo kung kaya na ba niya ito.

[ad#post-ad-box]

“Alam na ba niya talaga kung ano ang ibig sabihin nito, especially dahil hiwalay ako sa asawa, ‘di ba? Annuled ako but then okay naman ako, and then hindi naman kami nagkatuluyan ng Papa niya, so ‘di ba siyempre may mga sarili kang fears na you hope that what has happened to you does not happen to your children,” pahayag ni Janice.

Nasa tamang edad naman daw si Luigi kaya may blessings ang kasalang ‘yun at nakikita naman sa mga litrato na masaya silang lahat para kay Luigi.

“Luigi is 22. I’m 41 now, ‘di ba? Partida na ‘yun. Kasi nu’ng naging lola ‘yung nanay ko, 18 years old ako and she was only… teka 38? So, ‘di ba dapat matuwa na ko?” Patuloy nito.

Pati ang Tita ni Luigi na si Gelli de Belen ay pawang good wishes ang ipinarating sa bagong kasal.

“It’s a new step for him in his life, and I hope he does well. I’m sure he’ll do best. He has to be he’s best, ‘di ba?” Pahayag ni Gelli.

Kapag binalikan mo naman ng tanong si Janice kung may balak pa itong pakasal, doon nakatikom ang bibig niya. Sa ngayon, masaya na rin naman daw siya sa kanyang mga anak pati sa mga alagang aso.

ANG ISA PANG excited sa pagpapakasal ng kanyang anak ay si Gina Alajar.

Ikinuwento nito sa presscon ng bagong episode ng SRO Cinemaserye na “Carinderia Queen” na sa February next year, ikakasal na raw ang panganay niyang si Ryan sa non-showbiz girlfriend nito.

Namanhikan na raw sila nu’ng nakaraang buwan at botong-boto raw siya sa pakakasalan ng anak niya kaya excited na itong ihahatid si Ryan sa altar.

Tinanong namin kay Gina kung okay lang ba na darating ang dating asawang si Michael de Mesa para makasamang maghatid ng kanilang anak sa altar?

“Kung darating siya rito, definitely he’ll be part of it, but kung hindi siya darating, it’s his choice. It’s just right na kami ang maghahatid kay Ryan,” diretsang pahayag ni Gina na mukhang hindi naman siya masayang makita ang dating asawa.

Aminado naman siyang hindi sila magkaibigan at civil lang daw sila para sa kanilang mga anak.

Kasama nga pala ni Gina sa SRO Cinemaserye: Carinderia Queen ang mga bidang sina Carla Abellana at ang anak niyang si Geoff Eigenmann, gayundin ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana, at magsisimula na sa Huwebes bago mag-Saksi.

By Gorgy’s Park

loading...

5 thoughts on “Janice de Belen, nag-aalala sa maagang pagpapakasal ni Igi Boy Mulach – Gorgy’s Park

  1. ganun din ang obserbasyon ko kay janice. mukang sya ang may dipresensya. parang akala nya sa sarili nya sya yung tama at magaling. pang sya yung may sira ang ulo. galit sa lahat ng naging lalake nya. bitter. nakakapagod sya siguro karelasyon.

  2. kasi magaling si janice sa mga poetry remember the days hindi halatang memoryado. mabuti nga hindi sila nagkatuluyan ni aga. akala kasi ni aga sikat si janice nuong araw ha hah ha. mabuti nalang nandiyan ang mga zobel kaya sumikat di ba mama..

    yah, there’s something wrong with janice hindi totoo na sya ang bumubuhay kay john nung sila pa may work si john. selfish kasi yan may pagka narsisa.mabuti nga natauhan sa kaballiwan si john.

  3. i heard hiwalay na naman si janice sa bf nya. there must be something wrong with janice, walang nagtatagal sa kanyang lalaki. masasaya naman ang mga ex nya, sya lang ang paulit-ulit na ganyan. you must consult a psychiatrist (im not saying that she’s crazy). i mean, baka may ma discover sya sa sarili nya na hindi nya pa nadi-discover.

    • Hindi..kasi yung lalaki daw yata ay parang walang bayag ba. Na hindi makawala sa nanay. Na hindi siya maipagtanggol o ang kanilang pag iibigan ay hindi maipagtanggol sa nanay .Saka ayaw yata ng nanay ke Janice.Eh pareho lang ni John Estrada na bubuhayin na naman niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.