Janice de Belen, may kinaaadikan

Janice-de-BelenNAKA-HOOK PALA si Janice de Belen sa panonood ng The Legal Wife, ang sinasabing “TV affair ng bayan”.

Mas umiinit nga kasi ang tag-init sa gabi-gabing nagliliyab at ‘maaksyong’ eksena sa The Legal Wife na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Maja Salvador, JC De Vera, at Jericho Rosales.

Sa katunayan, sa bilis ng mga pangyayari at tindi ng tensyong nagaganap sa love triangle ng characters nina Angel, Jericho, at Maja, isa si Janice sa mga kilalang personalidad sa industriya ay bukas sa pagbabahagi ng kanilang opinyon kaugnay ng kuwentong malapit sa totoong nagaganap sa mga karaniwang pamilyang Pilipino.

“Ang mga tao kasi gusto nilang manood ng mga bagay na sa palagay nila ay makakasagot sa mga katanungan nila sa buhay,” pahayag ng actress-TV host na si Janice. “At ‘yun ang ibinibigay ng ‘The Legal Wife’ sa viewers. Simple lang ang istorya pero alam mo na nangyayari siya at may katotohanan ang mga ganoong bagay. Kahit sino p’wedeng maka-identify sa characters ni Angel, Maja o ni Echo,” aniya.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

4 thoughts on “Janice de Belen, may kinaaadikan

  1. Pingback: Janice de Belen, may kinaaadikan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.