Janice de Belen, kinikilig kay Marc Nelson!

NAKAUSAP NAMIN SI Janice de Belen kamakailan lamang sa imbitasyon pa rin ng aming kaibigan at executive producer ng SPOON na si Florabel Conde sa taping ng birthday episode nito sa Net 25 Studios sa may New Era University. Bago mag-take, nakausap namin ang birthday girl at masaya niyang naikuwento ang tungkol sa paggawa niya muli ng ‘mainstream’ movie kung saan makakasama niya si Gov. Vilma Santos.

Ang nasabing pelikula ay ang The Healing, tungkol sa paniniwala ng ilan sa atin sa faith healers. Kuwento ni Janice, “It’s with Vilma Santos. Ang role ko rito ay friend of Vilma. Makakasama rin namin dito sina Kim Chiu, Pokwang, Mark Gil and Chris Villanueva, directed by Chito Roño.”

Na-miss kaya niya ang paggawa ng mga ganitong klaseng pelikula? Tugon nito, “May mga indie ako, pero ‘yung mainstream film parang ngayon lang uli ako gagawa ng mainstream film.”

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataong makakasama niya ang Star for All Seasons, pero excited daw siya dahil si Ate Vi ang pangarap ng karamihan na makatrabaho kahit isang beses man lang sa kanilang mga career. Masayang sagot ni Janice, “I worked with her before ‘di ba? Dati may show siya ‘yung VIP, pagka mga holidays, meron silang parang nagda-drama sila, I worked with her there.

“Iba ‘tong movie na ‘to saka many years after, sobrang many years after I think mga 20 years ago na ‘yun, so to work with Vilma now na parang napaka-exciting, ‘di ba? Oo, masabi ko man lang na nakatrabaho ko si Vilma Santos, si Ate Guy (Nora Aunor) nakatrabaho ko na siya. Gusto ko man lang once in my career masabi ko ‘yun.”

Nakapag-story conference na raw sila pero magsisimula daw ang shooting ng pelikula before the year ends.

Maituturing na maning-mani na kay Janice ang pag-arte sa harap ng camera. Pero pag-amin niya, kinakabahan pa rin talaga siya maski raw baguhan o beterano na ang kanyang mga kaeksena.

Patuloy pa niya, “Naman, naman. Siyempre may kaba ka, may kaba ka. Alam mo, may kaba ako everytime I’ll start working. Everytime I start in a new project there’s this kaba, eh. Kasi siyempre you have to, parang kaila-ngan mong magpakitang-gilas, kailangan mong you have to do well. Regardless kung baguhan ‘yung kasama mo o magaling, basta ako kinakabahan ako, siguro excitement, siyempre kinakabahan ako lalo na kay Ate Vi.”

Sa November 9 ang 43rd birthday ni Janice at isang nakakikilig na sorpresa ang inihanda ng kanyang staff sa SPOON dahil nagpaunlak na maging guest nila ang all-time crush nitong si Marc Nelson. Mapapanood sa mismong kaarawan niya ang nasabing episode kung saan naging tameme ang magaling na host. Hindi na siya nakapagsalita nang lumabas na mula sa backstage si Marc. Pag-amin ni Janice kay Marc, “Super like ko kasi ang abs mo.”

At nang kausapin namin ulit ang award-winning actress at TV host, inusisa namin siya kung kontento na ba siya sa kung anuman ang meron sa kanya ngayon. Tugon niya, “I am contented at the moment, because there is no permanent contentment. ‘Yung idea ng permanent contentment, hindi totoo ‘yan. When we do something and happy with it, we have to do something better, want something more. Right now I am contented with what I’m doing. ‘Di ko alam siyempre, I may want something else more tomorrow. But for now I’m in a good place.”

Happy birthday, Miss Janice!!!!

 

NAKAKA-INTRIGA ANG MGA tweets noong Miyerkules ng hapon ni DJ Mo Twister. Nagkaroon kasi siya ng exclusive one- on-one with Ruffa Gutierrez para sa Paparazzi Showbiz Exposed ngayong Sunday, 1:30 p.m. sa TV5.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Janice de Belen, kinikilig kay Marc Nelson!

  1. papayat ka sana janice,kasi talaga namang napakaganda nhg mukha mo,twing nakikita kita naalala ko si julie vega ,ikaw kasi ang larawan nya para sa aming mga fans nyo,papayat ka please,,,,we love you

  2. Tama ka, putres. To name a few, Vicki Belo, Madam Auring, Dolphy at mga beki na tulad ni German Moreno, Shalala at marami pang iba.

  3. Hoy baklang prince o PRINSESA! Ang kilig nG isang tao ay laging anjan d porke matanda na eh wala ng pakiramdam BOBO K!

  4. kinikilig? ano yan feeling high school? hoy gurang na cya at walan karapatan kiligin, dapat magsama sila ni mega star dahil pareho silang balyena at lumba lumba.

  5. Ang galing ni Janice sa Budoy. Simpleng umarte pero very effective. Medyo buhay na buhay siya ngayon. Noong nasa SIs siya as a host, parang laging tameme at inaantok. Now, she is alive and kicking.

Leave a Reply

Your email address will not be published.