Janice de Belen, diring-diri kay John Estrada!

MAILAP PA RIN si Janice de Belen kapag tungkol sa lovelife ang pag-uusapan.

Nang humarap nito sa press kamakailan lang para sa promo ng pelikula niyang The Last Viewing, sinagot ni Janice ang tungkol sa mga anak niya lalo na kay Luigi na anak niya kay Aga Muhlach.

Wala na nga raw ito sa poder niya, at hinahayaan daw niyang mamuhay nang mag-isa dahil nasa tamang edad na rin naman ito.

Hindi nga niya alam kung totoo ang balitang may ka-live in ito ngayon. Basta pumupunta naman daw sa bahay niya minsan at nakikita naman daw niyang okay ito. “I told him (Luigi) to go on his own because I think since maaga nga ako nagkaroon ng responsibilidad, dapat sila rin matuto din ng responsibilidad. Kasi hindi mo lang pala natuturo lang o dapat may responsibilidad ka. You really need to let them feel that you have to take responsibility,” pahayag ni Janice.

Hindi naman daw mahirap kausap si Aga pagdating sa kanilang anak at agree itong dapat na bigyan na ng kalayaan si Luigi.

Pagdating sa mga dating nakarelasyon ni Janice, kay John Estrada lang ito hindi pa ganu’n ka-okay ang mga sagot niya.

Nag-uusap lang daw sila ni John pagdating sa kanilang anak, pero bukod pa du’n, wala na.

Since bumalik na siya sa paggawa ng pelikula, posibleng makatrabaho nito si Aga o kahit si Gabby Concepcion at okay lang daw ito sa kanya. Pero pagdating kay John, mabilis na umiiling si Janice. “Diyos ko! Bakit kailangan kaming magkatrabaho? Kasi, para magkatrabaho kayo, you need to have a good relationship with the people you are working or at least you have some kind of relationship with the people you’re working with,“ sagot nito.

Pagdating sa lovelife, deretsahan ang sagot na ayaw niya itong pag-usapan. Wala siyang komento sa dating napabalitang lalaking muntik na nitong pakasalan. “I am alone but I am happy. I’m always in love. Hindi ko kailangan ng lalake para maging in love,” sagot nitong halata namang ayaw na niyang pag-usapan.

Bukod sa mga regular shows niya, nadagdagan pa ng panibagong trabaho si Janice dahil kasali rin siya sa Darna ni Marian Rivera.

Tinatapos pa niya ang pag-aaral ng culinary arts, kaya obvious namang wala siyang panahong makipagrelasyon.

Sa ngayon ay pinagkakaabalahan din ng actress/TV host ang pelikula niyang The Last Viewing na magsu-showing na sa August 5 at meron itong premiere night sa July 28 sa SM Megamall Cinema 6.

Siyempre, hindi invited si John Estrada!

TAHIMIK LANG SI Jolo Revilla sa muling panggugulo ni Rosanna Roces dahil sa anak nitong si Gab o si Budoy.

Ayaw nang palakihin ito ni Jolo dahil anak daw niya ang involved at iniiwasan na niyang madamay pa ito sa intriga.

Ang pagkakaalam ko, walang problema sina Jolo at Grace na magulang ni Gab kaya hindi na lang nito pinapansin ang pangugulo ni Rosanna dahil lola lang naman siya.

Masayang ikinukuwento ni Jolo na maganda ngayon ang kalagayan ng kalusugan ng kanyang anak at masipag daw itong mag-aral kaya siguro sa halip na magtatalak si Rosanna, dapat na matuwa na lang ito sa magandang kalagayan ng kanyang apo.

By Gorgy’s Park

loading...

9 thoughts on “Janice de Belen, diring-diri kay John Estrada!

  1. nakakadiri talaga yang si John no……why???kasi walang siyang kwentang tao nong super sexy at ganda ni janive inlove na inlove siya since flodeluna time paraw galing din sa kanya yan tapos nong tumaba na iniwanan na niya eh dahil naman sa kanya kaya tumaba si janice nag full housewife sa kanya at inanakan niya ng marami dapat nga mahalin niya ng sobra sobra si janice kasi nag sacrificed si janice para sa family nila no tapos ung nga nong tumaba iniwan niya pang labas na pagmamahal ang alam niya, kaya ako sayo idol janice magpapayat ka para ipamukha mo sa john bulol nayan na sexy at beauty ka parin, sabagay super ganda mo parin at matalino pa no,kaya idol gawa ka pa ng maraming project para mapanood kapa namin nag wawacth nga kami ng darna dahil sayo ang galing mo parin umarte talaga….

  2. janice my idol seen flordeluna days up to now leave her alone about her weight. where ever she happy i hope more project to comes i have idea how about you and aga gabby sharon in one movie

  3. Naunang nandiri si john kay janice kaya siya iniwan. Jusko sino ba ang magtitiis kay janice, mataba at ang leeg…layered!

  4. kadiri naman talaga etong katawan ni janice, unlike her sister gelli na hindi pinababayaan ang figure kesehodang 2 na ang anak nya.

  5. ang habol kasi no rosanna is yung monthly allowance ng bata, 2 van na may 2 yaya na si bong revilla ang nagbabayad oh di ba? im sure kung pipitsugin ang ama nung apo ni rosanna hindi sya maghahabol ng custody nito oh di ba?

  6. itanong natin si john kung di rin nadidiri kay janice. sa hitsura ni john na maalaga sa katawan and still desirable sa opposite sex, magugustuhan ba niya si janice. ewan, ewan ,ewan.

  7. d naman yata ako agree na hinayaan na lang nya si luigi to stand on his own dahil sya maaga nagkaroon ng responsibility, the boy still needs guidance…i love John estrada thou womanizer, wala lang…

  8. janice is such a good actress…sana masundan pa ang last viewing dahil nakakahinayang kung hindi magpapatuloy sa paggawa ng movie si janice…i like her a lot…ang dami na niyang pinaagdaanan pero nakatayo pa din siya…carry on janice…we love you….god bless you and your kids…

  9. THE MOTHER HAS CUSTODIAL RIGHTS. JOLO CAN PROVIDE FINANCIAL SUPPORT. THE REVILLA’S ARE NOT THAT PERFECT EITHER. LOOK AT PRINCESS REVILLA. BUGBOG SARADO ANG KATULONG NIYA PERO NAPAWALANG SALA PA RIN SIYA. GAGAMITIN LANG NI LANI ANG APO SA KANYANG POLITICAL CAMPAIGN. IT LOOKS GOOD TO SEE THE GRANDMA HOLDING ON TO THE GRANDCHILD WHILE BEING INTERVIEWED. AMBISYOSA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.