Janice de Belen at Carmina Villaroel, balik-talkshow!

MATUNOG NANG usap-usapan sa ngayon na magkakaroon ng bagong talk show sina Carmina Villaroel at Janice de Belen sa ABS-CBN sa darating na February. Ito raw ang papalit sa babakantehing timeslot ng Entertainment Live (E-Live).

Wala pang pormal na announcement ang istasyon tungkol dito kaya naman nang makausap namin ang host ng Spoon ng Net 25 na si Janice, nilinaw namin sa kanya ang mga balitang ito.

Inamin nga niyang meron nga silang talk show na gagawin ni Carmina come February, pero hindi pa niya puwedeng i-detalye sa amin kung ano ang nasasaklaw sa nasabing show.

Ang inamin lang niya na malinaw sa amin ay ang pagpirma niya ng two-year contract sa ABS-CBN. Magkasunod pala silang pumirma ng kontrata ni Carmina noong January 16, 2012 sa Kapamilya Network. Kuwento ni Janice, “I was going to sign a contract that day, nu’ng mag sign na ako ng contract, sinabi nga sa akin na I will be given a talk show, na makakasama ko si Carmina and noong nag-sign ako ng contract, tamang-tama andu’n din si Carmina, nag-sign din siya ng contract. Magkasunod kami.”

Dagdag pa niya, “Two years, exclusive contract ang pinirmahan ko, except of course sa Spoon (ang daily cooking-talk show niya sa Net 25.)”

Ano naman kaya ang naka-line up na proyekto sa kanya sa Channel 2? “Dalawang soap, aside from Budoy, and then the talk show,” detalye pa niya.

Ayon pa sa source ng namin, ang talk show na tinutukoy ni Janice ay ang napabalitang Showbiz Inside Stories o S.I.S na papalit sa E-Live. Pero ayaw pa niya itong kumpirmahin kasi magkakaroon naman daw sila ng presscon sa susunod na linggo. Ang puwede lang daw niyang sabihin ay ang tungkol sa format nito.

Ani Janice, “Showbiz pero mas malalim na parte ng showbiz. Mas in-depth ‘yung mga interviews namin. Mas in-depth ang aming reporting.”

If ever na totoo nga na ang title ng show nila ay SIS, hindi kaya mag-react ang GMA tungkol dito, dahil ang iniwanan nilang late morning show sa Kapuso Network ay SIS din ang title kung saan kasama niya bilang hosts sina Carmina at kapatid na si Gelli de Belen? Sagot nito sa amin, “Host lang kami du’n. Wala naman kaming kinalaman du’n sa title.”

Makakasama raw rito nina Janice at Carmina sina Ogie Diaz at ang nagbabalik-Kapamilyang si Joey Marquez.

Sa huli, inamin ng magaling at award-winning actress na nami-miss daw niya ang pagho-host ng isang showbiz talk show, dahil ilang taon din siya noon sa Sunday showbiz talkshow ng GMA na S-Files. Dagdag pa niya, “Oo naman. Nag S-files naman ako dati. Iba kasi, ibang attack, okay na sa akin. Dapat may variations, hindi puwedeng pare-pareho, kasi mananawa rin naman ang tao sa akin. I’m very happy, happy to be back.”

 

HINDI MAN kami nakapanood ng concert ni Anne Curtis noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum, marami naman kaming kaibigan ang nagpaabot sa amin na sobrang matagumpay ang ‘No Other Concert’ nito.

Pero rehearsal pa lang nu’ng concert ni Anne ay nakausap na namin ito at itinanong namin sa kanya kung bakit nga ba niya sinabing ito na bale ang ‘first and last’ concert niya. Sagot ni Anne, “Kasi hindi naman talaga ako singer, ako ‘yung nagiging icon ng mga hindi marunong kumanta. So dito, ibubuhos ko na lahat kasi hindi ko alam kung mauulit pa ito.”

Congrats Anne sa isang panibagong tagumpay sa iyong karera.

 

NAPUNO NG tilian ang Trinoma Activity Center noong nakaraang Sabado dahil sa fashion show ng Coke in cooperation with Bench, na may pamagat na ‘Big Youth Blowout’.

Ang nasabing event ay bilang pagpupugay sa ika-100 taon ng Coke, kaya naman may mga T-shirts na may mga logo ng naturang softdrink brand ang inirampa ng mga modelo ng Bench.

Kabilang sa mga stars na nakisaya ay sina Steven Silva, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Joseph Marco at Enchong Dee.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Janice de Belen at Carmina Villaroel, balik-talkshow!

  1. S.I.S.??? bakit gagayahin yun title ng dati nilang show? nagkisali nga lang si carmina dun dahil ang magkapatid at true sisters ang hosts eh…

    they should think of another title hindi yung nagamit na dahil nag-click nuon sa mga tao. e di proven na malakas ang show nila sa gma dati kung dadalhin nila sa abs….

  2. ano ba yan janice! sinasabi mo pang malalim na parte ng showbiz? eh for sure parang traditional showbiz talk show din yan like the buzz at startalk kaya wag nang magpateaser na sinasabing ibang show ang gagawin nyo and i bet hindi din naman magtatagal ang show nyo! bet na bet ko! hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.