JANET JACKSON CONCERT, STAR-STUDDED!

MARAMING CELEBRITY ANG nanood ng concert ni Janet Jackson nu’ng Biyernes. Kahit sobra ang kamahalan ng ticket, jampacked ang loob ng PICC plenary hall. Sa unang kanta pa lang ay sumigaw na si Janet ng katagang “I miss you Manila” at mga sumunod pa ay ang “I love you Manila!” Natuwa ang maga-ling na singer sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa Pilipinas.

Spotted sa nasabing concert si Jinkee Pacquiao na kasama ang kakambal na kapatid, wala si Cong. Manny Pacquiao. Dumating din sina KC Concepcion, Kim Chiu, Melissa Ricks, Pokwang, Marvin Agustin, Eula Valdez, Iza Calzado na kasama si Crystalle Henares, Joel Cruz na may dalang bulaklak, ibibigay raw niya ‘yon kay Janet dahil kaibigan daw niya ang organizer.

Kinanta ni Janet ang kanyang hit song katulad ng Again at Escapade. May isang production number siya na habang kumakanta siya ay may lumalabas sa big screen na litrato nilang magkapatid na si Michael Jackson. Masaya ang naturang concert dahil sulit na sulit naman daw ang ibinayad, ayon sa mga artistang nanood.

JENNYLYN MERCADO, DISMAYADO NA, KINASUHAN PA NG ESTAFA

Ikinalungkot ni Jennylyn Mercado ang naging desisyon ng korte patungkol sa pag-acquit ng kanyang dating PA na si Mel Pulmano sa isinampa nitong kaso. Umiiyak ang actress nang sagutin ang naging desisyon ng korte.

Sinabi nito na kung wala man hustisya dito sa lupa, sa taas meron, “May karma, mararamdaman na lang niya ‘yon.”

Tinanong namin siya kung mapa-patawad niya ang dating PA. “Tao lang naman ako, Diyos nga nagpapatawad, in time siguro, pero kailangan nIyang pagbayaran ang mga kasalanan nIya. Minahal ko siya na parang tunay na ina, pinagkatiwalaan, tapos gano’n ang gagawin niya? Masakit po talaga.”

Ayon pa sa aktres, sinampahan siya ng kasong estafa ng mga taong nabigyan niya ng mga tseke dahil tumalbog ang mga ito. Ang ibang estafa case niya ay na-dismiss, pero ang iba ay inaayos pa ng kanyang lawyer.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “JANET JACKSON CONCERT, STAR-STUDDED!

  1. Ang pagbabalik ng U.S. singer at actress na si Janet Jackson na dumating sa Pilipinas na halos 17 taong nakalipas at ituloy ang mag-concert sa PICC sa Pasay City.

Leave a Reply

Your email address will not be published.