Janelle Manahan at Ramgen Revilla, marami pang sex videos!

Janelle-ManahanDALAWANG TAON na ang lumipas nang brutal na mapaslang si Ramgen Revilla sa loob ng pamamahay nito sa may BF Homes Parañaque. Kasama niya noon ang girlfriend na si Janelle Manahan na pinagtangkaan ding patayin pero nakaligtas ito.

Noong Sabdo, November 2, sa panayam ni Cristy Fermin kay Janelle sa Showbiz Police ng TV5, inamin nitong unti-unti na siyang bumabangon sa malagim na trahedya.

Kumusta na kaya ang puso niya? “Ahm, towards him? Ganu’n pa rin. Kasi siyempre kahit na wala na siya ngayon forever naman siyang part ng buhay ko. So, every night ko siyang ipinagdarasal. Kasi as much as possible, tina-try ko na talagang completely mag-let go. Kasi minsan napapanaginipan ko pa rin, so feeling ko hindi na healthy na hanggang ngayon ganu’n pa rin.”

Sina RJ at Ramona Revilla ang itinuturong utak sa pamamaslang sa kanilang kapatid na si Ramgen. Kasalukuyang nakakulong si RJ sa Camp Bagong Diwa sa Taguig samantalang si Ramona ay pinaghihinalaang nasa bansang Turkey, kung saan taga-roon ang naging asawa nito.

Nitong nakaraang buwan, naglabas ng statement ang ama ni RJ na si former Senator Ramon Revilla, Sr. at sinabi nitong alam niyang walang kasalanan ang anak sa sinapit ng kapatid nito. Kaya umapela itong payagang makapag-piyansa para na rin makalaya ito sa kanyang kaarawan.

Janelle-ManahanAfter two years, ano na ang nagaganap sa paglilitis? “Ahm, nag-petition for bail sila, para kay RJ (Ramon Joseph), pero hindi po siya napagbigyan. So, in-inform ako ng lawyers ko two weeks ago.”

Anong naramdaman niya na hindi siya makalalaya? “Ah, masaya, kasi kahit siyempre naawa ako, kasi ‘yung future niya, ‘yung buhay niya, wala na, kasi nakakulong nga siya. Pero, I think hindi niya deserve na lumaya kasi confident naman ako sa sarili ko na may kinalaman siya and ‘yun nga kung makalaya siya, matatakot ako. Kasi for sure, babalikan nila ako. So, natakot din ako. So nu’ng nalaman ko, sobrang nakampante ako ulit, na ‘Ay wala pala talaga silang chance na makaalis.”

Sa ngayon, aminado si Janelle na may bago nang nagpapatibok ng kanyang puso.

Ang nakakaloka lang noon, kalilibing pa lang ni Ramgen ay may kumalat na silang sex videos. Ito marahil ay upang wasakin ang kanyang kredibilidad bilang first hand witness. Pero hindi nagpadaig si Janelle sa mga naturang paninira. May mga iba pa kayang klaseng video ang hindi pa nailabas?

Pag-amin nito, “Sinabi ko rin naman ‘yun before, nasagot ko na ‘yan, meron pa. Pero I think… siguro naman… hindi na nila ilalabas ‘yun. Pero kung meron pa… meron pa.”

Naku, sana nga huwag na itong ilabas bilang paggalang na lang sa namayapang si Ramgen.

 

NAKAALIS NA ng bansa si Senator Jinggoy Estrada, hindi kasama ang kanyang asawang si Precy Ejercito, noong Sabado, November 2 mga alas-onse ng umaga.

Ayon sa mga ulat, sumakay raw ang seandor sa Cathay Pacific flight CX 906 via Hong Kong papuntang San Francisco, California.

Sa panayam ng media sa senador sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, sinabi raw ng mambabatas na babalik ito bago magsimula ang session ng Senado sa November 18. Gusto rin daw kasi niyang mapanatili ang kanyang perfect attendance record sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Hindi rin daw gumamit ng diplomatic passport ang mambabatas kundi ordinaryong pasaporte lamang dahil hindi naman daw ‘on official mission’ ag kanyang naturang pagbiyahe.

Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay nagsabi si Sen. Estrada na sasamahan niya ang asawa sa America para humiling ng second opinion dahil sa natuklasang bukol sa dibdib nito.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Janelle Manahan at Ramgen Revilla, marami pang sex videos!

  1. Like Neri Naig, isang starlet ng ABSCBN itong si Janelle Manahan na never napasikat ng home network niya kaya naging PORNSTAR na lang. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.