Jane Oineza, lumabas ang pagiging sinungaling

Jane Oineza, lumabas ang pagiging sinungalingKung walang bawian sa statement ng baguhang si Jane Oineza, tatawagin ko siyang sinungaling.

‘Di nga ba’t  noon pa man ay pinipilit ng entertainment reporters na tinatanong siya tungkol sa isyu nila ng basketbolistang si Jeron Teng.

Palagi niyang sinasabi, friends lang sila. No string attached. Hindi raw nanliligaw sa kanyang ang binata.

Maging sa presscon ng hit movie na “Always Be My Maybe“, consistent siya sa pagde-deny na si Jeron ay kaibigan lang niya. Hindi raw ito nanliligaw at kung nakikita man silang magkasama, sinasamahan lang niya ito sa mga activities niya at mga events.

Sa recent guesting ni Jane Oineza sa Kris TV, ang dagang estero, nahuli rin sa bunganga ng dalaga, sa deklarasyon niyang “break” na sila ni Jeron nang uriratin ni Kris ang tungkol sa kani-kailang lovelife ni Arci Muñoz.

Bukingan episode ‘yun na kami mismo, nagulat. Pinaniwalaan kasi namin si Jane na never silang naging magkarelasyon ni Jeron na maging kami nagulat.

Kebata-bata pa at bago sa showiz, nilamon na ng sistema?

Sa ganang amin, kung ayaw mong pagpistahan ang personal love life mo ng media, sa simula pa lang, shut your mouth. Huwag mong ikalakal.

Nawalan ako ng gana kay Jane. Akala ko iba siya sa mga artista na showbiz na showbiz at consistent na nagsisinungaling.

Si Jane, p’wede ko nang ilagay sa trono ng “Newest Liar” sa showbiz.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMaria Ozawa, starlet na starlet ang dating
Next articleAlden Richards, hinalikan sa kamay si Maine Mendoza

No posts to display