Jamie Lim, Sunud-Sunod ang Kampeonato sa Karate!

Samboy Lim, Jamie Cristine Lim and Darlene Berberabe Lim

Picture 1 of 2

HINDI NA talaga mapipigilan ang pag-arangkada ni Jamie Christine Lim sa larangan ng Karate bunsod ng sunud-sunod niyang pagsungkit ng mga gintong medalya sa iba’t ibang torneo.

Nito ngang nakalipas na November 30 hanggang December 1, muling ipinamalas ni Jamie ang kanyang bagsik sa Advance Kata (14-15 y/o) at Advance Kumite (14-15 y/o) nang maka-double gold siya sa dalawang kategorya sa ginanap na Adidas BMP Karate Championships sa SM Mall of Asia.

Ang naturang torneo ay sinalihain ng mga kalahok mula sa Japan at Indonesia, at iba’t ibang Karate club tulad ng EKA, JKA-Lipa, MASK, SSK, BSK, ASKA, USKA, and AAK.

Proud parents naman ang tinaguriang Skywalker ng PBA na si Samboy Lim at ang masipag na President & CEO ng Pag-IBIG Fund na si Atty. Darlene Berberabe-Lim sa dagdag-karangalang nakuha ni Jamie, hindi lang para sa sarili at pamilya, kundi para sa bansa.

Clickadora

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.