Jamie Christine Berberabe Lim, muling nag-kampeon sa Karate

 

 

MULI NA NAMAng napatunayan ni Jamie Christine Berberabe Lim ang kanyang dominasyon sa karate (AAK) ng muling nasungkit ang medalyang ginto nitong nakaraang Sabado at Linggo sa dinaos na Adidas Martial Arts Festival na ginanap sa Mall of Asia.

Si Jamie na hindi rin pagta-takhan ang galing sa sports dahil sa anak ng isang basketball great na si Samboy Lim ang tinanghal na gold medalist sa larangan ng 12-14 Kata at 14-15 Kumite ng kababaihan.  Sa ginanap na laban, makikita ang kahanga-ha-ngang kilos ni Jamie lalo pa’t nakapagtala ito ng pinakamaikling panalo sa loob ng 9 na segundo lamang.  Taglay ang bilis at grasyosang kilos na minana sa ama na may kumbinasyon ng talino at tapang ng Batanguenyang nanay na si Atty. Lelen Berberabe, ang CEO ng PagIbig Fund, makakaasa ang mga tagasubaybay ng Karate na magpapatuloy ang pagiging international champion ni Jamie na siyang magdadagdag ng da-ngal sa ating bansa.

Pinoy Parazzi

Comments are closed.