Jameson Blake, okey na pagkatapos ng katakut-takot na pamba-bash

Jameson Blake

AYON kay Jameson Blake, binura niya ang kanyang social media account for a week nu’ng ma-bash siya nang katakut-takot dahil sa tweet niya noon na humihingi ng pabor sa mga graphic designers na igawa siya ng banner designs kapalit ng kanyang shout-out.

“Hindi ako nag-social media for a week, and ‘yun, afterwards, I noticed din, there were some people supporting me, I mean, they were helping me rin. Ayun, I’m okay now,” pag-amin ng binata.

May times din daw noon na talagang ayaw niyang lumabas.

“First few days, medyo I was feeling down, ayokong lumabas, nasa condo lang ako,” kwento niya.

Iginiit din ni James na wala siyang intensyong maliitin ang mga graphic designers.

“I don’t have any intention of downgrading anyone. I was just asking for a favor. So maybe they just found it offensive.

“And siguro, that’s just their perspective, that’s their opinion sa tweet ko. If they would just analyze clearly, wala naman akong bad intention sa tweet ko,” rason pa niya.

 

Samantala, si Jameson ay isa sa kapareha ni Sue Ramirez sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa Wifi na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na showing ngayong August 15. Kasama rin sa pelikulang idinirek ni Jun Lana si Markus Paterson.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Jameson Blake, okey na pagkatapos ng katakut-takot na pamba-bash

  1. its the way you said it Jameson yun ang mali mo… arrogant ang dating kasi as if karangalan ng mga graphic designers ang ma-i shout out mo sila kapalit ng gawa nila… tapos the way you apologize din feels like hindi sincere para napilitan ka lang kasi at the back of your mind wala kang ginawang mali kasi until now di mo matanggap na mali yung way ng pagkakasabi mo kahit the intention is not…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.