James Yap, walang paki sa Kris Aquino-Herbert Bautista issue

James-YapHALATANG HINDI komportable si James Yap kapag natatanong ng press tungkol sa pagkaka-link ngayon ng ex-wife niyang si Kris Aquino kay Quezon City Mayor Herbert Bautista. Pero wala siyang choice kapag nahihingan na nga ng reaksiyon hinggil dito.

“Sana masaya siya kung totoo man talaga,” aniya. “Gano’n naman talaga ang buhay, eh. Kailangan happy lang, ‘di ba?”

Noong nagkita sila kamakailan ni Kris sa Makati RTC kung saan may napagkasunduan na sila tungkol sa visitation right niya sa anak nilang si Bimby, sa tingin daw ni James ay parang in love nga ito.

“Pero wala akong akong idea kung sino. Dahil kasi, wala naman siyang sinabi sa akin na pangalan. Ang sinabi lang niya sa akin na politician! Actually hindi na naman ako nagugulat na, eh. Basta kung saan siya masaya, ah… maganda ‘yon. Dahil happy ang buhay niya. ‘’Di ba?”

Ngayon, puwede na ngang makasama ni James ang anak niya kay Kris na si Bimby isang beses sa isang linggo. Every Friday ang napagkasundaang araw ng kanilang pagkikita.

Malaking tulong ba na may lovelife sa ngayon si Kris para maging positive ang treatment nito sa kanya?

“Sabi ko nga sa kanya… stay in love!” nangiting sabi pa ni James. “Wala naman siyang reaksiyon. Alam mo naman si Kris, gaganyan-ganyan lang. Ngiti-ngiti lang. Sabi ko nga, niloloko ko pa siya… thank you sa lalaki kung sinuman na nagpapasaya sa kanya. Sinabi ko ‘yon sa kanya.”

Naniniwala ba siya sa napapabalita ngang Kris-Herbert romance ngayon?

“Ay, hindi na po ako nakikialam. Hindi po ako makikialam do’n. Kung totoo eh, ‘di mas okey. Kung hindi, hindi natin… ‘di ba? Hindi ko man alam. Basta ang mahalaga kasi is kailangang maging masaya siya sa buhay niya. Para masaya lahat. ‘Di ba?”

Pero totoo nga ba na tinanong niya si Bimby kung sino talaga ang idini-date ni Kris?

“Ah… well, niloloko ko lang ‘yong anak ko!” natatawang pag-amin niya. “Niloloko ko lang ‘yong anak ko na… o, sino ‘yong idini-date ng mom mo? Tapos sabay sabi niya… secret! Tsismoso! Pero last Friday na nagkita kami ng anak ko, siya na mismo ang nagsabi sa akin kung sino. Tapos sabay sabi sa akin ni Bimby… joke lang! After naming mag-swimming, sinabi sa akin ni Biimby na ano… ito nga, si ganito… ganyan. Pero hindi ko puwedeng sabihin kung sino. Secret! Ayoko lang makialam, ano? Mamaya magalit pa sa akin si Kris, ‘di ba?”

Ang focus daw ni James ngayon ay ang regular niyang pakikipag-bonding sa kanyang anak na si Bimby.

“Masaya ako sa nangyayari sa aming dalawa sa ngayon. At least, kahit papa’no, nakikipagkuwentuhan na sa akin. And kahit papa’no, lumalapit na sa akin. Kasi noong hindi kami nagkikita, talagang masakit sa loob. Masakit sa puso na hindi lalapit sa ‘yo ‘yong anak mo. So, at least ngayon, lumalapit na sa akin. Kaya masaya ako. Ang gusto ko nga, everyday kasama ko ‘yong anak ko. Kaso once a week lang, eh. Kaya every Friday, inaano ko ‘yong time ko at effort ko na double talaga. Para mapalapit ‘yong anak ko sa akin. Ginagawa ko ‘yong kaya ko. Hangga’t kaya ko, ‘di ba?

“Kasi mahirap din naman na once a week lang, ‘di ba? Once a week ko lang nakikita ‘yong anak ko. Medyo mahirap ‘yon. So, kailangan double effort talaga. Ginagawa ko naman ‘yong part ko as a father. Para mapalapit ‘yong anak ko. Okey naman. Hindi na siya galit sa akin. Siyempre sinisikap ko rin na mapa-close sa kanya.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “James Yap, walang paki sa Kris Aquino-Herbert Bautista issue

  1. nyahahahahah malaking JOKE yan, hahaha walang Lovelife yang si Tetay Tulo..hahahah siya lang nag fe feed ng tsismis na yan sa ma Reporter at writer para isulat hahahah siya rin ang ” sources” hahaha…kaya pinag loloko lang kayo ng Tetay Tulo na yan,,,may” split personality” yan,,,

  2. Pingback: James Yap, walang paki sa Kris Aquino-Herbert Bautista issue - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.