James Yap, walang kamalay-malay, nakatay na naman ni Kris Aquino sa IG

James-YapNATAWA AKO nang mabasa ko ang reaction ng mga netizen sa bagong posting ni Kris Aquino na after nitong mag-sorry sa kanyang Instagram account matapos na makakuha ng kaliwa’t kanang bashing mula sa mga miron dahil ikinumpara nito ang natamong sunburn sa likod nang i-tour niya ang mga spouses ng mga dignitaries sa nakaraang APEC sa abalang inabot ng sambayanan. Post ni Tetay sa kanyang IG, magdarasal na raw siya bago siya magbigay ng kanyang komentaryo sa iba’t ibang mga issues.

Knowing Kris na very vocal sa kanyang nararamdaman, p’wede niyang gawin ang sinabi. Pero knowing ding pabagu-bago at hindi firm ang mga desisyon niya sa buhay, ewan ko kung pangangatawan ito ng Star of All Media.

Pero natawa ako sa posting ng isang inis na inis kay Tetay (but we love Kris as a mom at kung gaano siya kasipag mag-trabaho): “Kung totoo ang sinabi niya na magpe-pray muna siya bago siya mag-post sa kanyang social media account, dapt umusal siya ng tatlong rosaryo na nakaluhod at nakadipa, para kung magkamali muli siya, may paunang bayad na siya sa Itaas.”

Pero last Thursday, sa first communion ng anak na si Bimby, prior to the event, si Kris, kinatay na naman ang ex-husband na si James sa kanyang IG. Tinadtad ang dating mister na hindi umano ito nagre-reply sa mensahe niya na ipinaaalam ang tungkol sa kaganapan last Thursday. Sa social media, masamang ama na naman si James, na hindi na bago, wika ng mga miron.

Ewan ko kay Kris kung bakit imbis na pag-usapan nila ng ama ni Bimby ang problema nila, nagmumukhang masamang-masama ang sikat na basketbolista sa mata ng publiko base sa mga IG postings niya.

After ni Kris mag-emote sa kanyang IG na si James naman ay walang kamalay-malay, heto’t sumipot ang PBA player sa first communion ng anak nila ni Kris Aquino. Na sa kalaunan, napagtanto ni Kris na may prblema pala ang compatibility ng mobile phone niya sa mobile phone ng ex-husband, kaya hindi nakararating ang mensahe kay James.

Tanong sa amin ng isang netizen, paanong magiging matahimik at maging masayang ang buhay ni Kris na until now, i-deny man niya, alam ng marami na hindi siya masaya. Any suggestions?

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

2 thoughts on “James Yap, walang kamalay-malay, nakatay na naman ni Kris Aquino sa IG

  1. pag pasenciahan nyo nlang c kris total after election iba n ang presidente kaya hind n cy pwedeng mag pabida bida. tiis n lang ng konti mga friends.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.