James Yap, walang isang salita!

THERE’S A GLARING inconsistency in the statements of James Yap. Nu’ng hindi pa nakapagdedesisyon si Kris Aquino to end their marriage, sabi ni James ay igagalang niya ito. But when Kris finally dropped the bomb, so to speak, biglang kambyo ang cager: He’ll to everything to save the union.

But too late the hardcourt hero. Naglabas na ng statement ang law office kung saan idinulog ni Kris ang kanilang problema, na ngayo’y dumaraan na sa legal na proseso.

Kris had so perfectly timed it, nitong mga linggong wala nga siya sa bansa only to return home in time for her mom Cory’s first death anniversary. Kris won’t be around on July 26 as her brother President Noynoy Aquino delivers his state of the nation address.

Sa palagay ng marami, bagama’t understandably there are legal concerns that Kris and James need to contend with ay sa tuluyan nang paghihiwalay ang kahahantungan ng kanilang pagsasama. This speaks a lot about the kind of marriage na umabot na sa saturation point and is already beyond repair.

KUNG INAAKALA NG marami na si Kuya Germs lang ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa loob ng isang buwan, maging si Dolphy has a month-long celebration in his Pidol’s Wonderland on TV5.

Expectedly, Tito Dolphy’s special birthday week is a gathering of stars truly close to his heart. Sa darating na Linggo, July 18, tampok si Smokey Manoloto sa naturang show. Tito Dolphy and Smokey go a long way, ‘yun ‘yung Home Along Da Riles years pa nila sa ABS-CBN.

Sa mismong kaarawan naman ng Hari ng Komedya on July 25, he reunites with his quintessential daughter Maricel Soriano na nakasama niya noon sa John En Marsha during the 70’s. Sa susunod namang Linggo, no less than the Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ang tampok sa Pidol’s Wonderland.

BLIND ITEM: KILALANG galante ang sikat na male (?) personality na ito. Dekada otsenta nang regaluhan niya ang noo’y bagets actor ng latest model ng isang mamahaling sasakyan, pero pinalabas ng bagets na katas ‘yon ng kanyang ipon sa showbiz. ‘Yun na rin ang turo ng mga kaanak ng bagets, na ‘pag may nag-urirat daw kung saan galing ang kotse, ang sasabihin nito’y mula sa kanyang pawis at dugo (hindi mula sa kanyang “dakta” na sinisimsin ng kanyang gay benefactor).

Pero totoo pala ang kapaniwalang “history repeats itself.” Many years later, naulit na naman ang pagpapamalas ng kawanggawa ng gay personality. Hindi ko na sasabihin kung taong 2000 ‘yon, five or ten years later. Pero pareho rin ang drama ng masuwerteng recipient: fruit of his hard labor.

Kunsabagay, marami ang ibig sabihin ng hard labor. Mahirap din kayang tumihaya.

Personal: Maligayang 46th birthday to my sister Menchu Rogacion. Pasensiya na hindi kita maregaluhan ng kotse. Kung ako nga, wala, ‘no!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

19 thoughts on “James Yap, walang isang salita!

  1. see: BABALIK SI YABANg???@#$%^&*@#!!!!!?????!
    Beware ABS CBN, isang Certified Jinx si Willie, like si Villar, Roxas, kahit si Rico Puno natalo sa eleksiyon dahil sa kanya, in millions talent fee ni Yabang sa mga taong to, and who can forget Stampede Tragedy, etc. etc….
    79,500 petisyoner na galit kay Willie Revillame, ang counting high: http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

  2. B.I.
    ung 80’s bagets actor c mon alvir ba un. .ang laki ng nagastos ni ate germs dun…
    at ung l8st naman c jake vargas. .kawawang bata napagsamantalahan ng isang matandang mahilig sa laman..

    sa isyung kris & james. .sa lahat ng nakarelasyon itong c james pinakachaka pero ang tindi sa chix..

  3. B.I.
    ung 80’s bagets actor c mon alvir ba un. .ang laki ng nagastos ni ate germs dun…
    at ung l8st naman c jake vargas. .kawawang bata napagsamantalahan ng isang matandang mahilig sa laman..

  4. kahit marami ang naiinis kay kris, naiintindihan ko sya kung bakit ayaw na nya kay james. naniniwala akong kung magmahal si kris e talagang totoo at proud sya. wala akong narininig na nainvolve sya sa ibang lalaki habang meron syang kasalukuyang relasyon. lagi syang proud sa kanyang mga anak at sa asawa nya. pero meron ba tayong nabasa man lang na itong james na ito e proud kay kris? ang nababasa na lang natin e merong syang ibang babae maliban kay kris. bakit ka magtyatyaga sa isang relasyon na alam mong wala naman palang respeto ang lalaki sayo? hindi naman ganun kasikat at kayaman si james kumpara kay kris. hindi rin gwapo ( pangit ang tingin ko sa kanya, parang syang isang boksingero na pisak ang ilong). sa totoo lang hindi big catch si james kay kris. kahit sabihin pang tactless, walang damdamin sa ibang tao si kris, naniniwala akong pagdating sa pagmamahal sa lalaki e tapat sya. hindi pa pala ready sa pag-aasawa si james at gusto nya pang mag buhay binata e di sya dapat nagpakasal or nakipagrelasyon kay kris, dahil itong si kris e asa estado na ng pagse-settle down.

  5. Ang tanong, papansinin kaya ni kris si james kung hindi ito sikat na basketbolista lalo pa at hindi naman ito mayaman?

  6. Baka sabi lang iyon ni James na ipaglalaban niya na mabuo uli family niya para naman maipakita niya sa family ni Kris na nag effort rin siya to save their marriage at para hindi obvious na gusto na niya talagang makipaghiwalay.

    Ang sabi ni Kris one year na rin pala na magkasama sila sa iisang bahay pero they are living a separate lives. Walang pakialamanan, hindi magkatabing matulog. Hindi na healthy eto sa mag asawa. tsk tsk

  7. di naman siguro walang isang salita si james. siyempre pag magkagalit kaung mag-asawa you say things that you don’t mean to say. siguro after some space naisip nya na di nya talaga kayang mawala si kris lalo na ang anak nya. siyempre once na hiwalay na sila, iba na ang set up ng mag-ama. whatever ang pinag-awayan nila silang dalawa din lang ang makakaresolba nito. expect more on this issue once kris is back. she never really stops talking about their problems in public.

  8. oh kau naman naghanap nang ibang putahe si krispota..kc nga naman lagi nalang kaya iba naman ganoon naman yan c krispota gusto lagi iba iba..kadiri…kaya krispota.

    • Kuya Germs, maawa ka naman sa bata. Huwag mong pagsamantalahan ang kakapusan sa pera ng isang tao.

      Matanda ka na. Gumawa ka na sana ng maganda sa buhay mo nang hindi humihingi ng kapalit na dangal ng isang tao. Nakakasira ka ng buhay at pag iisip ng isang tao sa halip na makatulong ka sa pagbibigay mo ng pera kapalit ng pagdungis sa dangal ng bata. Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa bata ..sa isip niya pagdating ng panahon? Grabe ka…bakla kang matanda ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.