James Yap, wala nang balak balikan si Kris Aquino?! – Ronnie Carrasco

If we are to believe the rumors, mismong si James Yap ang mapapahiya sa kanyang TV interview na umere sa TV Patrol nitong Lunes. Speaking with a chivalrous tone, hindi raw masisisi ni James ang kanyang asawang si Kris Aquino.

Back to the tsismis. Gaano katotoo na nagpapahanap si James ng malilipatang condo unit as though he has declared independence from his wife? Ang siste, wala na raw balak pang bumalik ang cager sa condo unit nila ni Kris now that five days from now ay titirhan na ng ibang occupants ang kanilang Valle Verde 2 residence.

Monday saw screaming tabloid headlines na nag-alsa-balutan si Kris kasama sina Joshua at Baby James. At kung paniniwalaan ang house-hunting ni James, will their separation be for good… and be good to both of them?

BLIND ITEM: DALAWANG sikat na aktres, nagplastikan nga ba sa isang event?

It happened at a recent celebrity wedding, kapwa imbitado ang ating mga bida whose seemingly cold behavior towards each other caught the public attention.

Kapansin-pansin ang magkalayong mesa ng dalawang aktres during the reception. For purposes of identity, pangalanan nating mga bulaklak ang dalawang ito, not necessarily contemporaries pero naging arch rivals once upon a time.

Dahil close din naman siya sa ibang mga panauhin, tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Cattleya, bumeso-beso sa kanyang mga kaibigan from one table to another. But conspicuously noticeable nang iwasan daw ni Cattleya na gawaran ng halik si Sunflower na nilampasan niya.

Naintriga tuloy ang isa ring celebrity guest, agad daw nitong binulungan si Cattleya upang sabihing present din ng mga sandaling ‘yun si Sunflower. “Ha?” Kunwari’y gulat pang reaksiyon ni Cattleya, sabay tayo at lapit kay Sunflower, at saka sila nag-hug.

Minsan nang nabahiran ng intriga ang relasyon ng dalawang aktres. Dating child star si Sunflower, habang in her early teens naman nagsimula sa showbiz si Cattleya. Because she started way ahead kung kaya’t `di hamak namang mas mahusay na aktres si Sunflower kesa kay Cattleya.

“Mapitas” n’yo kaya kung sino sila?

STEP ASIDE, BARON Geisler, dahil may pumalit na raw sa trono mo bilang Alcohol King! I don’t mean rubbing alcohol, but rather intoxicating substance, ‘no?

The Twitter accounts of a few celebrities are flooded with John Lloyd Cruz’ alleged alcoholism. May eksena pa nga raw recently sa isang bar kung saan sa sobrang kalanguan ay hindi na makagulapay si JLC at kailangan pa siyang buhatin.

Okey lang daw sana kung basta naglalasing lang si JLC, but the level of his drunkenness requires rehabilitation. Ows? Sayang naman, JLC is such a very good actor whose talent must not go to waste.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleShow ni Bayani Agbayani sa Siyete, nabulilyaso ng Showtime! – Alex Brosas
Next articleMister ng award-winning actress, namimik-ap ng dyoklang operada sa Macau! – Archie de Calma

No posts to display