James Yap, pipigilan ang kadaldalan ni Bimby Aquino Yap

James-YapSOBRANG TAMA lang naman sa mga panahong ito ang katuwiran ni James Yap na lagi niyang makasama ang kanyang anak na si Bimby Aquino Yap. Dahil nga bukod sa kanyang katuwaan na makasama habang lumalaki ang anak nila ni Kris Aquino, gusto talaga ng sikat na basketbolista na mapalapit sa kanyang mga magulang at angkan si Bimby. Hindi ‘yung dahil sa mga naunang isyu ng pagdadamot na magkasama silang mag-ama, hindi na nakikita at hindi na rin nakakasama ng kanyang mga magulang si Bimby, kundi napapanood na lang sa telebisyon.

Sikat lang talagang basketbolista si James, pero sa kasimplehan ng kanyang pagkatao, sobrang kalungkutan para sa kanya ‘yung sabik na sabik ang kanyang mga magulang sa kanilang apo na si Bimby, pero bitin sila sa panahon na magkasama. Mapagmahal si James sa pamilya, at ayaw niyang maramdaman ng kanyang angkan, na si Bimby ay parang ibang tao sa kanila habang lumalaki at patuloy na sumisikat.

Ito talaga ang panahon ng paglaki patungong pagbibinata ni Bimby. Kailangan niya talaga ng gabay ng isang Daddy na laging makakasama. Kailangang magbinata si Bimby na makuha niya ang istilo ng kanyang daddy, na guwapo pero hindi masyadong masalita, kaya lalaking-lalaki ang dating. Ngayon kasi, dahil si Kris ang laging kasama ni Bimby, kaya lumalaki siyang guwapo, pero ‘yung kadaldalan, nakukuha na niya kay Tetay. ‘Yung katalinuhan ng kanyang mommy ang dapat manahin ni Bimby, hindi ang kadaldalan at kataklesahan, huh?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “James Yap, pipigilan ang kadaldalan ni Bimby Aquino Yap

Leave a Reply

Your email address will not be published.