James Yap, natupad na ang matagal nang wish

James-YapPAGKATAPOS MAG-CHAMPION sa katatapos sa season ng PBA, siguradong mas magiging inspirado, mas pokus at mas magaling si James Yap sa mga susunod pang laro pa ng koponan. Nagkasundo na kasi sila ng dating asawa na si Kris Aquino para sa isang long term agreement para sa anak na si Bimby, kung saan tuwing Biyernes ay mahihiram niya nang buong araw ang anak.

Pinayagan ng TV host na makasama ng basketball superstar ang anak nilang si Bimby noong nakaraang kaarawan ni James noong February 15. Mukhang natupad na ang matagal nang hiling ni James na mas makasama pa ang anak.

Noong March 5, ibinalita ito ni Kris sa kanyang Instagram kung saan isang photo collage ang inilabas ng TV host kung saan nagkamay sila ng dating asawa. Sa caption, pinasalamatan ni Kris ang kanilang mga abogado at ang judge na may hawak ng visitation rights case na ito.

“Thank you Judge Cristina Sulit, Atty Sigfrid Fortun, and Atty. Lorna Kapunan for the patience and guidance to help James and I reach a long term agreement regarding Bimby’s custody/visitation.

“It was a nearly 4 year journey  that needed mutual healing,  acceptance and maturity.

“At the end of the day as parents we want Bimb to grow up feeling loved and secure.”

“James and I as a couple weren’t blessed by a happy ending  but through God’s grace we have been given a chance to have and And They Lived Happily Ever After. #peaceful #grateful # happy.”

Nakatutuwang isipin na sa bandang huli ay sa pag-aayos pa rin nauwi ang lahat, hindi lang si Bimby ang matutuwa sa nangyari kundi maging si Joshua na balita naming naging malapit din noon kay James.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.