James Yap, naospital dahil sa ilong?!

HINDI MAIWASANG MAIPIT si Dingdong Dantes sa gulo ngayon nina Marian Rivera at Bela Padilla.

Kahit ayaw nilang magsalita, hindi pa rin maiwasan dahil heto na nga’t nagpa-interview ang manager ni Bela na si Claire dela Fuente at mukhang aabot pa ito sa demandahan.

Dapat ay magsisimula nang mag-shooting si Marian sa Super Inday, pero na-pack-up ito dahil upset daw ito ngayon sa mga nangyayari.

Pati si Dingdong ay nadadamay kaya siguro nagkasakit na rin ito dahil na rin sa sobrang pressure. Nu’ng dumalo ito sa first anniversary party ng PPL Entertainment, Inc. ng manager niyang si Perry Lansigan, iniiwasan na niya itong pag-usapan dahil masayang okasyon daw ‘yun, hindi na magandang pag-usapan pa ang ganu’n. Medyo masama pa ang pakiramdam niya nang dumalo ito sa party dahil may sakit pa ito.

‘Di ba ipinack-up na siya sa taping ng Endless Love dahil sa sobrang taas ng lagnat nito? Medyo okay na raw ang pakiramdam ni Dingdong ngayon, pero may mga series of test pa raw siya dahil baka dengue ito. Pero sana hindi naman daw, dahil parang viral infection lang ito.

Pagdating sa isyu ngayon ni Marian, nilinaw naman ni Dingdong na kahit saan ito humantong, kay Marian ang suporta niya at sinabi nitong siya ang number one na magtatanggol para sa kasintahan. Dapat naman, ‘di ba?

HINDI PA NAMIN alam kung ano ang nangyari pero isinugod nga raw sa ospital si James Yap kamakailan lang at inoperahan daw ito sa ilong. Aalamin pa namin kung bakit siya inoperahan, pero okay na raw ito ngayon.

Bongga nga si James dahil ang dami pa ring sumusubaybay sa kanya at hindi lang mga basketball fanatics ang interesado na sa kanya ngayon kundi pati sa showbiz.

Kaya nu’ng nagpa-poll survey kami sa Startalk kung tingin ba nila suportado si James kung sakaling pasukin nito ang showbiz, ang daming umayon at gustong mag-artista na rin ito.

Pero ewan ko lang kung type naman ito ni James, kahit may mga ilang gusto nang mag-offer, pati mga endorsements. Kaya tingnan na lang natin kung magiging artista na rin ito.

Bukod sa paglalaro, inaayos na ngayon ni James ang kaso nila ni Kris dahil kailangan na nitong magsumite ng petition sa Nullity of Marriage nila ni Kris.

Binigyan daw sila ng palugit na 30 days para sagutin ito kaya pagdating daw ng abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan galing Switzerland, pag-uusapan na nila ito at aayusin ang isusumiteng petition.

Kagagaling lang din ni James ng ilang linggong bakasyon sa Amerika at doon na raw siya nakapag-isip kung ano ang magiging sagot nito sa isinampang kaso ni Kris kaugnay sa kanilang kasal. Pag-uusapan pa raw nila ‘yun ng kanyang abogado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “James Yap, naospital dahil sa ilong?!

  1. people of the philippines and around the world pls. watch oplan zero tambay hosted by hard hitting broadcaster raffy tulfo panoorin nyo po sana para sa mga tambay na walang trabaho at binibigyan ng pagasa para magkatrabaho magandang programa po ito suportahan natin once again pls watch oplan zero tambay tv5 10 30 start of program every sunday pls watch it tnx.

  2. Palagay ko may tama yang si Marrian na katulad ni Claudine. Kawawa naman si Dingdong kung tutuluyan yan. Dapat mag isisp isip sya hindi lang yang aang babae sa mundo, huwag ikot ang puwet nya sa kanya. Dapat may pumatol na dyan kay marrian para matigil ang kamalditahan.

  3. bakit panay ang sulat ni lolit solis about james? trying to get back at kris aquino’s expense…dahil ba sa politika pa rin? hindi nya matanggap na natalo ni noynoy si villar…is this her way of getting back at kris?

Leave a Reply

Your email address will not be published.