James Yap, nagmumukha nang kawawa

WALA NAMANG PAKIALAM si James Yap kung sa tingin ng maraming tao ay nagmumukha na siyang kawawa ngayong ipinaaayos na talaga ni Kris Aquino ang legalidad ng kanilang paghihiwalay mula sa mga naatasan niyang abogado, bago siya pumuntang Amerika kasama sina Joshua at Baby James. Umiiwas talaga siya sa media at ayaw magpa-interbyu, dahil para sa kanya ay mas lalala ang kinakaharap nilang gusot ni Tetay, kung magsasalita pa siya.

May katuwiran naman daw si James na iwasan niya ang magpa-interbyu, dahil hindi naman siya showbiz na tao.  Basketbolista lang daw siya, at nagkataon lang na taga-showbiz si Kris, kaya napag-uusapan na rin siya. Hindi naman siya nagkamali ng mga pag-iwas sa media, dahil nakawiwindang na rin ang mga tanong na ibinabato sa kanya ng press. Isa sa pinakamatinding tanong na kanyang natanggap ay ang tungkol sa kontrobersiya ngayon, kung saan iniuugnay ang pangalan ni Kris kina Senator Chiz Escudero, Gerald Anderson at Coco Martin.

Parang ang dating ay habang nagsasama pa sila noon, ay mayroon palang ibang lalaki na kinahuhumalingan si Kris. Pero consistent si James sa kanyang intensiyon na mabuo pang muli ang pagsasama nila. Wala raw siyang masasabi tungkol sa lumulutang ngayong usapan na iniuugnay si Tetay kina Escudero, Gerald at Coco. Iba raw ang naging problema nila ng mommy ni Baby James, pero hindi niya nararamdaman ang ugnayan ni Kris sa mga lumulutang na pangalan ng lalaking iniuugnay sa kanya.

KAPAG USAPANG-SHOWBIZ, PINALALAMPAS na lang ni Lorna Tolentino ang mga papuri sa kanya, na pagkatapos ng halos tatlong taon niyang pagdadalamhati mula sa pagkakaroon ng karamdaman hanggang sa yumao ang kanyang husband na si Rudy Fernandez, may kakaiba na raw siyang sigla sa ngayon. Naaasiwa siyang pakinggan ang sinasabi ng ibang tao, na para raw mayroon na siyang bagong inspirasyon, kaya nagkakaroon na siya ng pagbabago kung hitsura ang titingnan.

Ang hindi raw alam ng marami, nasasaktan si Lorna kapag ine-engganyo siya ng ibang tao na para bang subukan na ulit ang isang bagong pakikipagrelasyon, dahil bata pa rin naman siya. Katuwiran ni LT ay hindi naman ganu’n kabilis, na pagkatapos ng masakit na nangyari sa kanilang pamilya ay ang susunod na makakarelasyon ang hahanapin.

“Sa totoo lang, ang dami-dami ko pang dapat gawin, na mga ibinilin sa akin ni Rudy. Lahat ‘yon, iniisa-isa kong isakatuparan na gawin,” wika ng magaling na aktres.

Para kay Lorna, hindi sarado ang posibilidad na muli siyang magmahal sa ibang lalaki. Hindi lang daw niya talaga alam kung kailan iyon mangyayari. Sa ngayon daw, nararamdaman niya na happy na rin ang yumao niyang husband.

“Kasi nga, ang palatandaan naman na okey na ako ay ‘yung nakabalik na ako sa aking trabaho. Gumagawa na ako ng teleserye, at nagpe-pelikula na rin ako. Masaya na ako, dahil alam kong gusto rin niyang maging masaya ako lagi,” sey pa ni LT.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “James Yap, nagmumukha nang kawawa

  1. Di ako fans ni kris and james,pero madalas ako nanonood ng the buzz. Dun ko napansin na si kris na talagang gusto mabuo ang pamilya noon. Kung babalikan nyo yung gap nila ni james nung dec or january 2010, nasabi ni kris: GUSTO KO NAMAN NA MAY ASSURANCE AKO NA MAHAL,NIRERESPETO AKO AT DI AKO NILOLOKO NG ASAWA KO DAHIL DARATING ANG ARAW NA MAPAPAGOD AKO. At dumating na nga araw na yun. Maybe si james dahil alam nya na mahal na mahal sya ni kris, binali wala nya. at sasabihin nya rerespetohin ang desisyon ni kris.O ayan na desisyon ni kris, biglang kambyo si james. For me kung wala ding RESPECT AND LOVE SA RELATIONSHIP ,WAG NA KRIS WAG MO NANG BALIKAN..Yes there are kids involved, pero kung magsasama sa isang bahay na walang respeto,loyalty & love. nararamdaman din ng bata yan,mas traumatic pa yan..Nasabi ko po ito dahil naranasan ko na.

  2. assuming bungangera, self centered, matapobre etc etc etc, hindi p rin ito dahilan pr lokohin @ gaguhin ni james c kris.

    cno b nmn ang matinong lalaki n habang nag hi2rap ang asawa s pagbu2ntis eh manloloko @ gagahuhin… mambabae.

  3. regain her sanity? para mo naman inamin that something is wrong with kris for you to conclude that she needs to regain her sanity.

    kris is a self centered attention grabbing person and she cant stand it when she is not the bida of a story that she concocted. masakit yun di ba? you make up a drama you hope people will see you as the heroine but the drama turns up to be a horror story because you ends up being Cruella Aquino in the eyes of those who follow your dramedy.

    because of you i personally believe pnoy will not be a successful president the way your mom was never a success, why? inability to ma
    ke the kamag-anaks toe the line. your individualustic and narcistic attitude last june 30 just confirmed that you cannot stay in the sideline and let the others have their day. ang sakit sa mata ng damit mo while your siblings tried to their best to be invisible so pnoy will have the day e ikaw todo inarte. thats when you know that one has no real capability in acting: pag alam mo na umaarte ang pinapanood mo.

    poor noynoy. instead of people rallying behind there will always be concerns aboyt his ability all because this kris aquino wont and cant shut up.

  4. Paano naman ninyo nalaman na si James ang naapi rito. Alam naman natin na taklesa si Kris pero pag dating sa pamilya niya talagang ipinaglaban niya, pero kung si James ay ipinagwalang bahala ito di siyempre mapupuno at nmapupuno ang isang Kris aquino. James has a double personality, aminin ng iba na sometimes we wear a mask na pag labas sa bahay eh kunwari mabait tayo.
    Si kris a too transparent sa sarili nya, kaya nga maraming tumututok sa kanya at for every words she said hinahanap yung magkamali sya. Para masulat at mapag usapan, but belive it this is not the right time for kris na isambulat ang marital problem nya, pero dumating na sa puntong napuno na sya sa ginagawa ni James sa kanya so instead na sya ay atakihin sa puso eh buti pa na ngayon na tapusin , alam niyang siya ang huhusgahan na mali, brat at kung anu ano pa, pero sino kaya ang gustong masira ang pamilya , especially si kris na gusto ng magkaroon ng buong pamilya, ipinglaban nya hanggang mapulaan sya, pero is it worth it to fight for this man na sobra na ang ipinapakita sa kanya. ALAM KASI NI jAMES YUNG SINASABI NI kRIS THAT i WILL FIGHT FOR THIS MARRIAGE. Pero tandaan ninyo na may hangganan ang pagtitis. Huwag gamitin ni James ang mother ni Kris na hindi sila dapat maghiwalay at pagtiisan na lang ang lahat. Umabuso ka James, you push Kris to the wall wala na syang choice but to fight and regain her sanity. Alam mo yan James na itinuro lang sa iyo na sabihin mo na you will fight for yoyr family dahil mahal mo sila. ALAM MONG YOU WANT YOUR FREEDOM THAT’S WHY KRIS IS GIVING IT TO YOU MISKI ALAM NIYANG SIYA ANG LALABAS NA MASAMA.

    • As if you are living in one house and you know everything what’s happening between Kris and James. We don’t have the right to judge one person either it’s Kris or James dahil hindi nila tayo kasama 24/7. Tanging sila lang dalawa ang nakakaalam sa mga nangyayari sa buhay mag asawa nila. Now, kung sabihin mong magkasama kayo sa bahay at alam mo ang puno’t dulo then maniniwala ako sa iyo.

      • tanong ko lang di kaya bi si james?at nahuli ni kris kasi nagtataka ako eh bakit ganun ka eager si kris na kumalas eh alam natin kung pano magmahal si kris..sana di totoo pero kung totoo chika lang guapo naman si james eh di ba papa piolo??heeheh

Leave a Reply

Your email address will not be published.