James Yap, mas madali nang makukumbinsi si Kris Aquino na mahiram si Bimby Aquino Yap

James-YapMUKHANG SA pag-eendorso ni James Yap ng isang men’s grooming bar, mas madali niyang kumbinsihin ang kanyang ex-wife na si Kris Aquino to allow their child Bimby para magkaroon ng bonding moments ang mag-ama.

Kilalang “maarte” sa good grooming si Kris whose second home next to her domestic abode must be the salon nearest to ABS-CBN. For sure, hindi naman ipagkakait ni Kris kay Bimby na i-try magkaroon ng new look sa Razor Sports kahit pa ang target market ng latest endorsement ng kanyang Daddy James are men ages 16 to 35 years old.

James is an ideal image model for the bar as he embodies the modern-day man who’s conscious about how he should look in public. Located at the Level 3 of Trinoma Mall, ang ambience nito is filled with sports memorabilia mula sa iba’t ibang sporting events.

Ms. Ruby Coyuto of the 12 year-old Flawless has chosen James as her business partner, dahil sa paniniwalang malaking bentahe ang positibong imahe ng San Mig Coffee cager sa naturang bar. Bilang come-on, Razor Sports offers 20% off on all grooming services until January 31.

 

MORE THAN half season na bukas ang Picture! Picture! (on its eighth episode), and it’s consistently enjoying favorable viewership ratings.

The biggest element of surprise kasi sa kauna-unahang picture-aided general knowledge game show na ito is the elusive half a million pesos sa susuwertihing celebrity contestant. Hanggang ngayon kasi ay mailap pa rin ang jackpot prize, but will it finally land on the lap of Valerie Concepcion, Candy Pangilinan, Gabby Eigenmann at John Feir sa episode bukas?

Alamin ang kasagutan sa Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo, alas sais ng gabi sa GMA pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.