James Yap, malaya na kay Kris Aquino!

LUMABAS NA rin ang balita at kinumpirma na ang tungkol sa annulment nina James Yap at Kris Aquino.

Nasa Hong Kong si Kris nu’ng pumutok ang balita kasama ang kanyang mga anak para magbakasyon sa Hong Kong Disneyland. Pero may interview na siya sa The Buzz at malaya na niya itong pinag-usapan.

Nu’ng huling na-interview kasi ng Startalk, ayaw pa niya itong sagutin dahil hindi pa talaga puwede.

Pero nakumpirma na sa amin noon ng ilang taong malapit sa dalawa na naibaba na ang desisyon ng korte pero hindi pa raw sila puwedeng magsalita noon.

Ang abangan na lang natin kung ano naman ang sasabihin ni James.

Basta gusto lang naman ni Kris na ma-maintain ang friendship nila ni James alang-alang sa kanilang anak na si Bimby.

In fairness, lalong naging cute ngayon si Bimby, huh, at matalino pa, kaya alam na niya ang nangyayari sa paligid at sa estado ng kanyang magulang. Kaya maingat na rin si Kris para hindi naman maapektuhan ang kanilang anak.

Tingin ko d’yan, makapaghahanap na agad si James ng girlfriend niyan dahil bata pa iyan, eh. Si Kris, medyo matatagalan kung gusto pa niya kasi ayaw na ng mga kapatid niya at pinapaalalahanan na mabuting mag-focus na lang siya sa mga anak niya.

Oo nga naman, pero knowing Kris, maghahanap pa talaga ng dyowa iyan. Iba siyempre ang inspired siya na may dyowang kasama, ‘di ba?

 

TATLONG BAGONG programa ng GMA 7 ang magsisimula nga-yong araw. Ang Broken Vow sa afternoon drama na tatampukan ni Bianca King na sabi nga niya ito raw ang pinakamahirap na nagawa niya so far.

Sa rape scene pa lang daw grabe na ang pinagawa sa kanya kaya hindi na nga raw niya gagawin ito uli.

Bago naman mag-24 Oras, ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis na magbibigay ng break sa kanya bilang lead star, at sana nga maganda ang kalalabasan nito dahil mabait naman ang batang ito.

Sa GMA Telebabad naman ay magsisimula na rin ang Biritera ni Dennis Trillo na parang kakaiba naman ito lalo na’t ilulunsad naman dito ang bagong batang bida na si Roseann.

Parang Nora Aunor ang charm ng batang ito, kaya sana nga maganda ang resulta nito.

Magkasabay na nagpu-promote ng kanilang programa sina Dennis at Bianca, tuloy paulit-ulit na natatanong ang tungkol sa kanilang relasyon.

Naipit nga si Bianca ni Butch Francisco nang mag-guest ito sa Startalk nu’ng Sabado dahil ayaw niya talagang sabihin kung ano ang namamagitan sa kanila ni Dennis.

Ang sabi lang niya, maganda ang ano mang merong relasyon sa kanila pero ayaw raw nilang pag-usapan ito sa publiko.

Actually, si Dennis parang okay lang na pag-usapan, pero si Bianca lang talaga ang tahimik.

Baka nga ‘yun ang napagkasunduan nilang dalawa, kaya nga nagustuhan ni Dennis si Bianca dahil napa-kapribado raw nito, edukada at sopistikada. O, ‘di ba?! Tingin ko sila na nga talaga!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “James Yap, malaya na kay Kris Aquino!

  1. no big deal sa annulment nila, tapos na, move on, period!! at sa tatlong new shows ng gma7? waley na waley! broken vow? ngayon pa lang, wala na! alice bungisngis? bakit kailangang gumastos ng isang nonsense show ang gma7? bakit bakit? biritera? napanood ko pilot episode pero di ko ntagalan! hindi ko napatapos, walang kadating dating! as in! ung legacy, maganda ung story kaso naglilipat ako sa abs, kasi parang may kulang sa show or the way mag direk ang direktor nila, sayang promising pa naman ung show pero talagang kungbaga sa pagkain, magandang tignan pero pag kinaen o tinikman na, walang lasa o hindi masarap! YUN NA! hahahahaha

  2. hugo prada engot porket ayaw nila magsalita tungkol sa annulment martial law na hehe desisyon ng kampo ni kris at james yun para matapos na usapan maka move on n mga tao sa issue hinde desisyon ng korte bopols , san ka nakakita pagtapos ng kaso sasabihin ng korte bawal pagusapan ang kaso forever hehehe common sense hinde puro ka ingles wala namn sense pinagsasabi mo

  3. congrats james yap over 50 million kita mo sa annulment ni kris swerte mo tapos di pa huminge sayo si kris ng monthly sustento para kay bimby hehehe pwede kana magretire sa basketball ……………….. 

  4. funny na ung last person na nainvolve kay james yap na nagtrigger sa annulment na yan ay si grace lee….
    tapos ngayon si grace lee nililigawan ng kapatid ni kris na si Pres. Pnoy..
    ano kaya reaction ni kris dito??^^,

  5. @Hugo Parada, parang nabasa ko na the reason daw na na-annul agad yong kasal nila Kris at James ay dahil daw yong nagkasal daw na Minister ba yon ng dalawa doon sa bahay ni Boy Abunda ay wala daw yon authority to officiate a marriage ceremony. Kaya naging null and void ang kasal nila in the first place. Totoo ba ito?

  6. This is another case of PALAKASAN sa government. Ang bilis ng decision sa annulment nina James Yap at Kris. Mas lalong nakakabilib na ginamit ni Kris ang inpluwensya niya kay Pnoy kaya biglang granted kaagad ang gusto niyang mangyari. And so MARTIAL law like naman na BAWAL magsalita sina Kris at James sa annulment nila, hellur, decision yun ng COURT, bakit hindi puwedeng magsalita ang mga parties na involved. Dapat sa transcript ng kaso nila, dahil nagdecided ng court, naka PUBLISH publicly for future court reference!

  7. Pingback: James Yap, malaya na kay Kris Aquino! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.