James Yap-Isabel Oli affair, exposed by Baby James!

MAY MGA KOMENTONG nakarating sa akin tungkol sa pagdamay ni Kris Aquino sa anak niyang si Bimby sa isyu kina James Yap at Isabel Oli. Napanood n’yo naman sa Startalk ang interview ni Ricky Lo sa mag-ina na parang alam ni Bimby na si Isabel ang girlfriend ng Papa niya.

Paano naman daw nalaman ng bata ‘yon kung hindi naririnig sa paligid niya o naituro sa kanya?

Nagtataka rin nga si Isabel kung bakit nakilala siya ni Bimby at nasabing girlfriend ito ni James, gayung wala raw talaga itong katotohanan. Consistent din si James sa pagsasabing magkaibigan lang talaga sila ni Isabel.

Nu’ng pinanood naman namin ang interview ni Isabel sa Showbiz Central, mukha namang nagsasabi siya ng totoo na wala talagang namamagitan sa kanila ni James.

Ayaw na lang ngang patulan ni James ang isyung ‘yan dahil wala raw talagang katotohanan. Kaya nga naapektuhan na raw ang friendship nila ni Isabel dahil naiintriga na silang dalawa.

Ayaw na ring mag-comment ni Kris, kaya lang, ito namang anak niyang si Bimby ang nagsasalita.

Sabi naman ni Kris, okay na sila ni James bilang magkaibigan, at sa totoo lang, maayos na nga raw nilang napagkasunduan ang hatian ng properties at nilinaw naman nito na hindi naman daw pag-iinteresan ni James ang dapat ay para sa anak nila.

In fairness naman kay James, noon pa niya sinasabing wala siyang ganoong balak at hindi raw pera ang habol niya kay Kris.

Sa Biyernes ay magkakaroon uli sila ng hearing at magkikita na naman ang dating mag-asawa. Update na lang natin kung ano na ang kahihinatnan ng kanilang annulment case.

NA-FINALIZE NA rin ang line-up ng Temptation Island na iri-remake ng Regal at GMA Films. Nag-pictorial na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heussaff, at Lovi Poe nung Linggo para sa Preview magazine.

Muntik na ngang nag-backout si Heart, pero nabago ang desisyon niya dahil nagkasundo na raw sila sa ilang sexy scenes na gagawin sa pelikula. Malapit na raw silang magsimula, at ewan ko lang kung paano nila mapapagkasundo ang schedule dahil busy lahat ang mga artistang involved.

Sa Ilocos daw ang shooting nito, kaya maraming schedule ang maisasakripisyo.

Si Marian ang isa sa pinaka-excited sa project dahil type na type niya ang role na gagampanan. Medyo sexy rin daw siya rito, pero aliw daw siya sa role niya na may pagkakikay.

Talagang isisingit daw niya sa schedule itong shooting ng Temptation Island, kahit abala rin siya sa taping ng Amaya at sisimulan na rin niya ang Panday 2 kasama si Sen. Bong Revilla.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “James Yap-Isabel Oli affair, exposed by Baby James!

  1. Yan ang pinagkaiba ni James kay Kris, si kris kayang sabihin na may bago na sya unlike si james super denied, kaya si kris ang may balls sa family nila noon pa.

  2. eh syempre hndi muna nila ibubulgar relasyon nila kseh hinhintay pa ni james nong share nya..hay nku!kung kadiri si kris ms kadiri ka STD Queen..ang kapal ng mukha ni james bakit d n lang ilagy s atrust fund ni bimby ung share nya….kapal ng mukha nya!

  3. NAPAKABABAERO TALAGA NI JAMES TSK TSK TSK…. KAILAN KAYA PUPUTOK ANG RELASYON NILA NI ISABEL OLI NA MATAGAL NA DAW TINATAGO HUH? SA PAGKAKAALAM KO 5 MONTHS NA DAW SILANG MAG-ON? TOTOO BA YUN KRIS? HEHE

  4. oh well, it might have been Ms. Kris’ strategy para mapabilis ang annulment nila ni james.. pasensya ka na lang james, si Kris pa ang “nakabangga” mo.. what Kris wants Kris gets…

  5. dapat naman kay james humanap ng iba daming babae na mas higit pa kay kris cguro naman alam ninyo na kung ano ang pagkatao niya..at cgurado rin ako na maraming pumapaligid kay james kc magaling cyang magbasketball at sikat kahit 10 kyang kya niya ganon din c kris kc matalino cya at super daldal…dami dyan na politician

Leave a Reply

Your email address will not be published.