James Yap, Ingat na Ingat Ma-Involve sa Ibang Babae

KAPAG NAG-I-STARTALK KAMI, mas bongga ang mga tsismis na pinag-usapan namin off the air kesa sa on air, huh!

Napag-uusapan namin doon si James Yap na parang PR na yata nito si Ricky Lo na lagi niyang kausap.

Bago kami nag-ere, kausap nito si James sa telepono para klaruhin ang isyung nali-link ito sa host ng Diz Iz It na si Grace Lee.

Nagulat daw si James sa tanong sa kanya ni Ricky dahil hindi nga raw niya kilala si Grace Lee.

Kahit naman si Grace ay sinagot din ang isyung ‘yun na never pa raw silang na-introduce sa isa’t isa although nagkakasabay lang daw sila sa parlor minsan. Kaya nagtataka ito bakit may ganu’ng isyung lumabas.

Paliwanag pa ni James, wala raw siyang ginagawa ngayon kundi bahay diretso practice, laro, tapos balik ng bahay.

Behaved daw siya ngayon at maingat daw siyang ma-involve sa mga ganu’ng intriga.

Meron pa ngang lumalabas na isyung nagri-rent-a-car na lang daw siya ngayon dahil wala na siyang kotse.

Siyempre, react naman diyan ang manager ni James na si Dondon Monteverde dahil okay naman daw ang kinikita ngayon ng sikat na basketbolista kaya hindi na niya kailangang mag-rent ng kotse. Meron naman siyang kotseng gingamit. Ito ba ‘yung bigay sa kanya noon ni Kris Aquino?

Anyway, tahimik lang talaga ngayon si James lalo na’t wala pa rito si Kris at inaayos na ng abogado ni Kris ang pagiging null ng kanilang kasal. Abangan na lang natin!

TALAGANG SINAGOT NI Francine Prieto ang mga paninira sa kanya dahil sa katabaan nito nang rumampa siya sa FHM kamakailan lang.

Ang dami kasing nagri-react nu’ng rumampa siyang naka-one piece at talagang nagmumura ang mga pata niya sa hita at puwet.

Sinagot ito lahat ni Francine sa Twitter account niya na hirap na hirap na nga raw siya sa pagpapayat. Wala naman daw siyang magagawa dahil ganu’n talaga ang katawan niya gawa nang pagka-half-Norwegian niya.

Pero sey ni Francine, kahit ano pang panlalait sa kanya, mahal pa rin daw niya ang katawan niya.

Sabi nga niya sa Twitter account niya: “Baka ‘eto na yung purpose ko sa life na matagal ko nang sinasabi. Gusto kong maging inspiration sa ibang tao. Kung paano ko malalampasan ang weight issues ko. Basta no matter what, I love my body. I love my curves.”

Bongga ang Francine, ‘di ba? Talagang sa gitna ng mga panlalait sa kanya, humaharap pa rin at ipinagtatanggol ang sarili.

Naawa pa nga ang reporter ng Startalk sa kanya dahil pagkatapos pa raw nitong rumampa sa FHM, tumuloy pa ito sa radio program niya na madaling-araw na natatapos.

Talagang kayod pa rin siya dahil siya lang naman ang inaasahan ng mga kapatid niya. Nabanggit pa nga raw nito minsan sa Twitter account niya na parang ATM na raw siya ng mga kapatid niya. ‘Yun na!

CONGRATULATIONS PALA KINA LJ Reyes at Paulo Avelino dahil ganap na silang magulang. Nanganak na si LJ nu’ng Sabado ng madaling-araw sa New York at normal delivery ito.

Kaagad na nag-post din si Paulo na isa na nga raw siyang certified father. Kaya nakarating ito sa Startalk at na-interview ang young actor nu’ng nakaraang Sabado.

Sayang at hindi pa nakakuha ng US visa si Paulo kaya hindi nito nasamahan si LJ sa panganganak sa Amerika. Wish pa rin niyang maayos ang visa niya para madalaw naman daw niya ang kanyang mag-ina.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “James Yap, Ingat na Ingat Ma-Involve sa Ibang Babae

  1. SUSULAT AKO SA DZMM NA ALISEN NA SI FRANCINE.HINDI SIYANG PANGRADIO.MAGUISING NGA KAYO.

  2. NAPAKAMALDUTA NI FRANCINE AT NAPAKA BOBA SA RADYO.MAGANDA NGA BOSES NIYA WALA NAMANG SENSE MGA PINAGSASABI NIYA AT MARAMI NG NA TURNED SA PAKIKINIG.MINSAN NAPIPIKON NA YUNG KAPARTNER NIYA SA KAKA PINTAS NI FRANCINE SA KANYA IYAN SI FRANCINE RUFFA MAE ARA MINA MGA MUKHA NG MATRONA LALO NA SI FRANCINE.ANG TALENT LANG MAGHUBAD E KASO BALYENA NA SIYA NGAYON ANO PA MA OFFER NIYA

  3. Mga GMA7, maraming sinasabing negative tungkol kay Francine ngayon. Noong kailangan sila ni Francine, wala man lamang tumulong sa kanya. Nawalan nang trabaho dahil tumaba raw siya. Hindi nila inisip na maysakit ang ina niya. Maraming talents nang ABS-CBN, maski hindi siya kilala, ang tumulong sa kanya nang nanawagan siya. Ngayon naman, maski may katabaan, binigyan pa rin siya nang trabaho nang ABS-CBN. Kaya ikaw Lolit, hindi mo na dapat ipag duldulan ang katabaan ni Francine. Mahiya kayo.

  4. PAOLO AVELINO, KUNG MABABASA MO ITO, SUBUKAN MONG GAWIN ITO. PUNTA KA MUNA SA HONGKONG DISNEYLAND O KUNG SAAN MAN SA ASIA PARA MATATAKAN LANG ANG PASSPORT MO. MAHIHIRAPAN KA TALAGANG MAKAKUHA NG VISA SA U.S. KUNG BLANKO ANG PASSPORT MO. SIGURO NAMAN AY KAYA MONG PUMUNTA SA HONGKONG DAHIL MURA LANG NAMAN ANG PLANE TICKET. GOOD LUCK!

    • Duh?! as if naman eh, hindi alam ni Paolo Avelino yun, Hongkong lang, kaya sya nadenied kasi napakarami nyang relatives sa US at ang reason strong family ties, sus naman!

  5. From Kim_World

    [kim_world] our stand… and it hurts…Full View
    From: Donna Cortez Add to Contacts
    To: kim_world@yahoogroups.com

    ——————————————————————————–

    This is to break our silence…

    Alam nyo naman na hindi kami basta mapagpatol sa mga issues… lahat ng bagay binabalanse namin before kami maglabas ng opinion namin, transparent kami that we’ll support them sa lahat ng projects nila together or individual man yan… in fact, everytime na ****** ng nega ang issue naglalabas kami ng statement namin kung anu ang alam namin, coz we trust and have faith on them… na madalas na c anderson ang involve… we defend him sa abot ng aming makakaya para maliwanagan kayong lahat…

    WE LOVE KIM and WE LOVED ANDERSON for who they really are, not because of what they are in reel and real life…

    pinag isipan at pinag usapan namin ito ng husto at masinsinan at napakasakit man para sa amin pero we came to this decision:

    as a moderator and on behalf of all d kw execs, we are withdrawing our support to GERALD RANDOLPH OPSIMA ANDERSON, JR. from this moment…

    we’re not into the loveteam issues nor to their personal life and decision… sad to say mas may malalim at matinding reason kaming pinanghuhugutan. .. na hindi na kailangan pang i-elaborate. ..

    we’re not forcing anyone to stay or makisimpatya sa amin, karapatan nyo yan kung aalis kayo dito sa yg… wala ring sinuman ang may karapatang magcondemn sa decision namin… we are entitled to our own decision… walang tama o mali sa atin, it depends sa paninindigan natin…

    ang tanging magagawa namin / natin is to show our all out support for KIMMY… and pray na sana wag lang c kim ang laging ipinahaharap sa media…

    GOD BLESS US ALL!

    ————————————————————————————————————————————

    statement ng KIMERALD WORLD dati…. ngayon KIM WORLD NA LANG…. KIMERALD BAO’s dati ngayon KIMBAO’s na lang……

  6. ALAM MO JAMES HUWAG KA NG MAG INGAT DAHIL NGAYON WALA NA SI KRISSY SA LYF MO KUYAJ WALA NA RING BABAENG PAPATOL SA PAG MUMUKHA MO.MANLALAKI KA NA LANG

Leave a Reply

Your email address will not be published.