James Yap, gets P42-M conjugal share from Kris Aquino?!

ONE VERY PROUD Momma nga ang Kris Aquino na nakausap namin bago pa man sumapit ang graduation ng kanyang anak na si Josh.

Ikinuwento ni Kris ang mga nagagawa na ni Josh na hindi niya akalaing matututunan nito. Gaya ng pagtugtog nito sa piano na walang mga kulay ang mga tiklado. Pati na ang pagluluto.

Nakakapag-bake na raw ang anak. But more than that, proud din si Kris sa klase ng perseverance ni Josh, hindi lang sa pag-aaral  kundi sa pag-aalaga rin sa nakababatang kapatid na si Bimby James.

Nabanggit na rin ni Kris ang paghiling niya sa kapatid na si P-Noy na bigyan ng time ang pagdalo sa gra-duation ng kanyang pinakamamahal na pamangkin. Na pinagbigyan naman nito.

Nausisa namin kay Kris kung dadalo ba ang ama ni Josh na si Philip Salvador sa graduation nito. Pero sabi ni Kris, hindi na ito visible sa buhay ni Josh. At hindi na rin ini-involve ang sarili niya sa buhay ng anak. Hindi na ito in-elaborate pa ni Kris. Alam na ng lahat na nagkaroon na rin ng sarili niyang pamilya si Ipe at may anak na rin ito.

Kaya nga thankful si Kris sa kanyang buong pamilya, dahil sa panahong kinailangan din niyang bumangon para ipagpatuloy ang kanyang career, ang mga ito ang buong pusong yumakap sa kanyang si Josh, mula sa kanyang dakilang inang si tita Cory hanggang sa mga kapatid niya, lalo na si P-Noy kung saan naging very much attached ang bata.

“It’s so important for the father to be involved in his child’s life. But in the case of Joshy, mahirap na to build that relationship with his father. Kaya, ‘yun din naman ang iniiwasan naming mangyari kay Bimby. I want him to grow close pa rin to his father kahit hindi na kami. Kaya when Mom was alive, we made Josh realize na he is truly loved.”

Speaking of Bimby’s father naman, si James Yap, ang bilis kumalat ng balita tungkol sa hatian nila ng properties sa nilalakad nilang annulment ng kanilang kasal. Sinasabing worth na P42-M ang napunta sa kanyang dating asawa?

“Naka-file na ‘yan. Hindi na puwedeng pag-usapan. Kung anuman ang naging agreement, about the separation of properties, hindi na kailangang pag-usapan dahil lahat na-settle na. Huwag na nating pag-usapan ang figures. Anuman ‘yun, all I can say is sulit na. Why? Because I had a son like Bimby! I don’t care na kung anuman ang mga figures na ikinakalat ng iba. It’s all between us.”

Truly, her children are Kris’ treasures. This vacation, they will embark on another Disney Cruise-Caribbean naman. Sa Mexico sila tutungo. We asked Kris kung hindi ba siya natatakot na ang next rampa nila ay sa dagat?

Ang importante raw, nasaan man sila, sama-sama silang mag-iina!

SI SARAH GERONIMO na rin pala ang gumawa ng paraan para magkabati na sila ng girlfriend ngayon ng kanyang ‘ex’ na si Rayver Cruz.

Naganap ito sa backstage ng ASAP Rocks nung Linggo.

Hindi raw mapakali si Sarah, kaya gumawa siya ng paraan para makabalik sa dressing room at sinabi sa inang si Mommy Divine na may isasauli lang siyang make-up. At doon na niya nakita si Cristine at kasabay ng pagyakap dito eh, ang pagsasabi na niya at paghingi ng sorry. Na sinuklian din naman ng gayon ni Cristine.

Napapanaginipan na raw ito ni Sarah, kaya naman siya na mismo ang nagtulak sa sarili para gawin ang isang bagay na noon pa niya gustong gawin, ang pag-aayos nila ni Cristine para tuluyan na ngang maganap ang pagmu-move on nila.

Masarap daw ang pakiramdam at relieved na si Sarah sa unexpected na pangyayari.

Ayaw din naman daw niyang biglain ang mga pangyayari, kaya natagalan din bago niya gawin ito.

“Ayaw ko nang hintayin nang matagal. Baka magunaw na ang mundo. Naiintindihan ko pa rin si Cristine dahil ganoon naman tayo ‘pag in love.”

Isa pang ginusto ring patunayan ni Sarah eh, ‘yung maipakita sa tao na hindi lahat ng perception nila sa ‘yo eh, tama.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

15 thoughts on “James Yap, gets P42-M conjugal share from Kris Aquino?!

  1. Pingback: Kris din | Fotozoom

  2. Masaya naman cguro sa kanilang naging desisyon..saka mas mabuti na yun..para walang masyadong masaktan ni isa man sa kanila..ang importante nandyan si baby james..at least nabunga yung kanilang saglit na pagmamahaln…

  3. USER talaga yang c James Yap kaya nga ang pinakasalan nya eh c Kris Aquino kahit naunang nabuntisan nya yung out of showbiz na gf nya. Tsaka talagang pinataigasan nya na ayaw nya pumirma ng pre-nuptial agreement kc nga yan malamang ang turo sa kanya nung uncle nyang bisaya kc alam nila na walang tumatagal na relasyon k Kris. C James Yap panget at mukhang tanga lng tignan pero mautak yang USER na yan pagdating sa pera Bagay lng cla nung panget na c Isabel Oli na bisaya rin kc kaya nga hiniwalayan yun ni Paolo Contis kc BILMOKO girl yun! bwahahahahahahaha

  4. ang pagkakaalam ko, may pinirmahan yata silang agreement na magbibigay si james ng monthly financial support dun sa anak nila ni kris eh, un ang isa sa mga demand ni kris diba

  5. He may have con tributed the same amount throughout their years of marriage. Pero maski na,, dapat hayaan na lang niya na si Kris ang magtago nang share ni Bimby, in a trust account. Kung ako si Kris, hihingan ko siya nang child support, yearly until Bimby turns 21 or finishes college, whichever comes first.

  6. pag hindi natuto si james sa paghawak ng pera na yan sandali lang ubusin lalo pa at hindi mo pinag hirapan.kung may isip cya at may pagmamahal sa anak dapat i save nya para sa future ni bimby

  7. @Magenta. ikaw ang uto-uto dahil wala ka naman alam pero super comment ka parin, nagmumukha kang tanga sa comment mo. lol

  8. Hoy mga utu uto! obviously hindi kayo in close proximity dyan kay Kris kaya hindi nyo alam ang totoong kulay ng uber plastikadang yan. ulirang ina ba kamo? hahahaha. pakitanong lang sa mga yaya ng mga anak nya kung pano nya hindi nabibigyang pansin ang dalawang anak nya.

  9. instant millionaire ngayon si james yap…
    swerte mo james… dahil kay kris nag kamal ka ng limpak2 na kayamanan… Saludo ako sayo kris….

  10. eh sa dami naman ng anak ni philip kung kani kaninong babae, lahat ng anak nya wala syang pakialam, kaya karma sya

  11. Magaling ang pagkakasagot ni kris at tama sya nakuha niya ang pinaka important na conjugal properties nilang mag-asawa. For James Sr. naman dapat siguro yung makukuha niya kahit kalahati open niya ng account si Baby James. And beside mababawi rin agad ni kris ang nawala sa kanya dahil sa daming ng product endorsement niya at shows siguradong bawi agad. Si James kailangan niya ang pera dahil kapag hindi na sya pwedeng maglaro ng basketball wala ng magbabayad sa kanya ng milyon. si kris parang forever magiging number 1 product endorser ng bansa.

  12. tama,. kapal din eh, sana kung ibigay nlng nya ky bimby un total nman c kris ang bumubuhay sa anak nla, oportunista din eh.. kahiya ka lang james uy, magpakalalake ka nga,

  13. ok itong c kris kahit magulo ang lovelife ny at kong kani kanino n link pero s pagiging ina talagang sasaludo k s kanya sna lahat ng ina tulad n kris, s totoo lang ayaw ko k kris kc sobrang daldal pero pag dating s pagaalaga ng mga anak talagang hahangaan mo cy, ito nman c philip salvador pwde mong sabihin walang kwntang ama, buti p yon pusa inaaruga ang kuting ny pero cy taong naturingan pabaya. buti nlang may mga kapatid c kris n nagmamahal k josh.

  14. HINIHINTAY PA NI JAMES YAP ANG PARTE NIYA SA ARI-ARIAN NI TETAY KAYA AYAW PANG UMANIN SA RELASYON NILA NI ISABEL OLI…. KAPAL NG MUKS PO PRE

Leave a Reply

Your email address will not be published.