James Yap, enjoy sa buhay-binata

BUKAS NA PALA itutuloy ang hearing ng kaso ni Baron Geisler na isinampa ni Yasmien Kurdi sa Bocaue Municipal Trial Court at lalo pa yatang madidiin dito si Baron dahil sa panibagong kaso naman nito ngayon kay Cherry Pie Picache.

Ang huling balita namin kay Cherry Pie, walang balak na magdemanda pagkatapos nang ginawa sa kanya ni Baron dahil ayaw na niyang lumaki pa.

Kahit nga ang magpa-interview ay ayaw rin niya dahil nag-aaral na raw ang anak niya, baka madamay pa ang anak niyang pribado naman ang buhay.

Ipinarating ng manager ni Cherry Pie na si Ed Instrella ang insidenteng ito sa samahan naming mga talent manager sa PAMI at pag-uusapan ito dahil si Arnold Vegafria rin ang manager ni Baron na miyembro rin ng PAMI.

Nu’ng kinausap ng reporter namin si Arnold tungkol dito, wala pa raw siyang masasabi dahil makikipag-miting pa raw siya sa ABS-CBN 2.

Sabi nga raw ni Arnold, ayaw na raw niyang magpaka-pressure sa ginawang ‘yun ni Baron dahil mai-stress lang daw siya.

Ang dinig ko kasi, natatakot daw si Arnold na bitawan si Baron dahil ang lagi raw nitong sinasabi, magpapakamatay siya kung iiwan pa siya. Wala na kasing interesadong mag-manage pa kay Baron.

Sinubukan ng Tweetbiz na hingan ng reaksyon si Yasmien tungkol sa huling ginawa ni Baron. Ayaw muna niyang magsalita dahil sa kaso lang niya siya naka-focus. Bukod pa riyan, busy raw siya sa mid-term exams niya kaya dedma na siya riyan.

Natutuwa nga ako kay Yasmien dahil maganda ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Naka-focus sa pag-aaral niya, pero talagang pinaglaanan niya ng oras na dumalo sa hearing. Hindi kagaya ni Baron na hindi nga dumalo sa hearing nila nu’ng nakaraang linggo dahil nasa taping daw. ‘Yun naman pala, may ginawa rin siyang kabastusan du’n.

Nagtataka naman ako, kung bakit hinahayaan nilang mag-taping kahit lasing.

NALI-LINK MAN NGAYON sina Kris Aquino at Ted Failon, ito namang si James Yap ay lumalabas na rin pala at nakikipag-date sa mga girls.

Kuwento ng isang paparazzo namin sa Tweetbiz, namataan nga raw niya si James sa isang bar at talagang pinagkumpulan daw ito ng mga girls.

Ini-enjoy lang naman daw ng kontro-bersiyal na basketbolista ang paghanga nang husto sa kanya ng mga kababaihan, pero wala naman daw itong pinupormahan sa ngayon.

Kaya lang, may narinig akong lalong naging close daw sila ngayon ni Isabel Oli lalo na’t break na raw ang aktres sa non-showbiz boyfriend niya. Ang tsika nga, si Isabel daw ang isa sa mga dahilan ng break-up.

Naku! Abangan na lang natin iyan! Siyempre, pa-deny deny muna sila sa ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.