James Yap, ‘di mahalaga kung ano ang gender ng anak, basta healthy paglabas

James Yap, 'di mahalaga kung ano ang gender ng anak, basta healthy paglabasSince five months nang buntis ang girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola ay tinanong ang Hotshots player ng PBA kung ano ang preferred gender niya for his baby.

“Kahit ano basta healthy ang baby,” sagot ni James sa isang short article na lumabas sa isang sports website. James was featured sa PBA Tweetsmisan kaya naman marami siyang sinagot na tanong. Varied ang questions at sinagot naman lahat ni James ang mga iyon.

Mas gusto pala ni James Yap ang Math over Science, mas gusto niya si Lebron James over Steph Curry.

When asked kung sinong PBA ang para sa kanya’y magaling na one-on-one player ay si Terence Romeo ang kanyang sinagot.

Siyempre, hindi nawala ang tanong about his son Bimby. James was asked kung kailan siya panonoorin nang live sa PBA ng kanyang anak. “’Pag puwede na sa schedule,” tugon ni James.

For his favorite Pinoy food ay biko ang isinagot ng sikat na Hotshots player ng PBA.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRia Atayde, pinasaya ang mga bata sa bahay-ampunan
Next articleKZ Tandingan, bata pa lang gusto nang maging kakaiba

No posts to display