James Yap, Ayaw Ipaampon si Baby James Kay Kris Aquino?!

NATIYEMPUHAN NAMIN si James Yap sa practice niya at ng kanyang koponan sa isang gym sa may Greenhills at napansin naming maaliwalas ang kanyang mukha. Mukhang happy and contented at naka-move on na si James sa kung anuman ang nangyari sa kanyang buhay pag-ibig. Kamakailan lang kasi, na-grant na ang annulment nila ng dating asawang si Kris Aquino.

Happy raw siya na parang tahimik na ang kanyang buhay sa ngayon at wish niya sa kanyang birthday noong Miyerkules, February 15, ay peace of mind.

Sa usapin namang nais daw ampunin ng kanyang ex-wife si Baby James ay sinabi ni James na pag-uusapan pa raw nila ito. Sana raw maging smooth ang kanilang usapan at sana raw wala nang away na mamagitan sa kanilang dalawa.

Abangan ang buong panayam namin kay James Yap bukas, February 18, sa Paparazzi Showbiz Exposed, ganap na ala-una y medya ng hapon sa TV5.

 

PALABAS NA ngayon ang Unofficially Yours starring John Lloyd Cruz at Angel Locsin, and the way we see it, isa na namang blockbuster film ang nagawa ng Star Cinema. Of course dahil na rin siguro sa bagong tambalan na naman on the big screen ang matutunghayan ng mga manonood.

Itong pelikula ring ito ang isa sa masasabing big break para kay Edgar Allan Guzman from the critically acclaimed indie, Ligo Na U, Lapit Na Me. Maraming isinakripisyo si Edgar para sa pelikulang ito, isa na nga rito ang Nandito Ako, ng TV5 kung saan nakasama na siya sa storycon pero hindi na siya nakatuloy sa taping.

Nagkabuhul-buhol daw talaga ang schedule niya kaya pinul-awt siya sa mini-serye pero masuwerte naman siya dahil pasok naman siya sa bagong panghapong serye ng TV5 na Isang Dakot na Luha, kung saan siya ang ka-loveteam ni Danita Paner.

Wish lang ni Edgar na sana patuloy siyang pagpalain sa taong ito para sa kanyang pamilya. Teka, naisantabi na talaga ang lovelife ni Edgar at focus na talaga siya sa work. Well, maganda naman sigurong huwag masyadong public ang lovelife, ‘di ba? Dahil na rin sa dami ng work na nakaatang sa kanyang balikat sa ngayon!

 

HINDI NA talaga mapigilan pa ang pag-aarangkada ng Kapatid Network ngayong 2012. Noong Miyerkules, sa trade launch ng TV5 sa may NBC Tent sa The Fort, pormal nang inilunsad ang mga bagong aabangang programa sa Singko. Una na nga rito ang bagong noontime show na Game ‘N Go hosted by Edu Manzano, Gelli de Bellen, Arnell Ignacio at Shalani Soledad.

Magsisimula na rin ang Extreme Make Over nina Paolo Bediones at Tessa Prieto Valdez, ang Kanta Pilipinas, ang dalawang panghapng serye na Felina at Isang Dakot na Luha.

Sa Lunes naman magsisimula na ang bagong Pilipinas News, ang papalit sa Aksyon Journalismo.

Sa Lunes na rin magsisi-mula ang Nandito Ako, back to back sa Valiente sa primetime panalo ng TV5.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “James Yap, Ayaw Ipaampon si Baby James Kay Kris Aquino?!

  1. Arniel Serato needs to do his research. Na-interview si Kris sa The Buzz. The reason she needs to adopt her son Baby James is because her marriage was nullified because the marriage is null and void. Hindi talaga sila kasal ni James. Ang labas nito, parang illegitimate si Baby James. For legal reasons at para walang problema sa inheritance, Kris needs to legally adopt her son. Si James Yap, gusto rin niyang i-adopt ang anak for the same reasons. Nagkasundo sila ni Kris na ito ang gagawin para rin walang problema sa inheritance ni Bimby in James Yap’s camp. Kung minsan, ok kung mali mali ang news kung galing sa isang fan lang or common people, pero kung ang news ay galing sa reporter mismo, siguro magreview siya ng pinagaralan sa Journalism lalu na kung ito ay news. There’s a big difference between fact and fiction. Kung itong writer na ito, passes this news as fact, then he is subject to a libel case. Baka mawalan pa siya ng trabaho.

  2. bobo ka ba james? kahit saang anggulo mo tignan, wala kang panalo. una, anong dahilan mo at ayaw mong ipaampon sa babae na nagluwal sa anak mo? pangalawa, kahit saang batas, basta kayang buhayin mag-isa ng ina ang anak, walang magagawa ang tatay. kinantot mo lang si kris pero sya ang nagdala at nanganak.. di bale, di ka naman nawalan dahil binigyan ka ni kris ng std. quits kayo.

  3. ay naku James matatalo ka dyan… may kasabihan, WHAT KRIS WANTS, KRIS GETS!!! yun na yun!!! hindi mo naman dapat ikalungkot ang pagkawal ni Kristeta sa buhay mo, kasi pang-ilan ka na ba sa buhay nya????hehehehehe pang-1, 2, 3, 4, 5, ???? OMG!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.