James Yap at Hayden Kho, pinagsabay ni Atty. Kapunan

SA OCTOBER 21 na pala ilu-launch ang bagong negosyo ni Hayden Kho na perfume.

Abala na ito sa pamumudmod ng mga imbitasyon, at mukhang bongga ang launching nito.

Hayden ang pangalan ng perfume niya at nu’ng minsan ngang pumunta sa studio namin sa Startalk, pinaamoy nito sa amin ang perfume na personal niyang pinili ang mga scent na kinuha pa raw sa Paris.

‘Di ba kasama pa si Dra. Vicki Belo na pumuntang Paris at nag-pictorial siya roon para sa perfume na iyan? Bongga, ‘di ba?

Kaya kahit ano pang sabihin nila, obvious namang sila pa rin dahil suportado pa rin talaga ni Vicki ang lahat na mga ginagawa ni Hayden.

Sabi lang ni Vicki, natutuwa lang daw siya dahil nakikita niya kung gaano kapursigido si Hayden na magbago at makapagsimula pagkatapos ng eskandalong kinasangkutan nito.

Sey naman ni Hayden, kailangan naman daw niyang mag-move on lalo na’t nawalan na siya ng lisensiya sa pagka-doktor, kaya kailangan naman daw niyang magkaroon ng fall back gaya nitong sinimulan niyang negosyo.

Pero pursigido rin ang abogado ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan na mabalik ang lisensiya ni Hayden dahil ilang taon daw na pinag-aralan iyan ng kliyente niya.

Hindi naman daw ikinakaila ni Hayden na nagkamali siya at inihingi na raw niya ito ng tawad, kaya sana mapagbigyan naman daw siya ng pagkakataon na mabago ito at maayos ang buhay niya.

Siyempre, hindi naman type iyan ng kampo ni Katrina Halili.

Pursigido rin ang abogado niyang si Atty. Raymund Palad na mapanalo ang kaso dahil malinaw naman daw ang lahat na kagagawan ito ni Hayden. Kaya abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng kasong ito.

Abala naman si Katrina sa bagong programa niya sa GMA-7 na Beauty Queen, pero pagdating sa isyu nila ni Hayden, ayaw na niyang magsalita.

Bahala na raw ang abogado niya riyan, kaya si Atty. Palad na lang ang nagsasalita.

Ang dating nga nito ngayon, parang labanan ito nina Atty. Palad at Atty. Kapunan kung sinong mas magaling na abogado sa kanilang dalawa. Nakasalalay rin sa kasong ito ang career nila bilang abogado.

Sa October 26, magre-resume ang kasong ito at si Hayden na ang isasalang kaya abangan na lang natin.

ANG ISA PANG celebrated case na sinusubaybayan din ngayon, itong kina Kris Aquino at James Yap.

Si Atty. Kapunan din ang may hawak ng kaso ni James kaya nga kuwento ng Startalk reporter namin, bongga ang blessing ng bagong opisina ni Atty. Kapunan dahil bukod sa mga kilalang personalities sa business at politics, nandu’n ang mga taga-showbiz at ang pinagkaguluhan doon ay sina James at Hayden.

Baka sa susunod na linggo raw, magpa-file na si James ng kanyang petition bilang sagot sa isyung Psychological Incapacity na nai-file ni Kris.

Pati ang isyung hatian ng assets nila ay nasa korte na raw ang desisyon, pero nilinaw ni James na hindi siya interesado sa mga kinita ni Kris at wala raw siyang balak na kunin ang ano mang bahagi riyan dahil meron naman daw siyang sariling kita.

Kaya tingnan nga natin kung hindi nga ito pag-interesan ni James.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “James Yap at Hayden Kho, pinagsabay ni Atty. Kapunan

  1. pera lang talaga ang habol ng atty.kapunan nayan wala ng iba but huwag kayong mag alala may karma sa mga katulad nya

  2. OO. Naturalmente. PERA LANG TALAGA ANG HANGAD NI KAPUNAN DIYAN.

    Meron pang mas importante. Baka ipinangako ni Lola Belo na papagandahin si Kapunan pag naipanalo ang kaso ni Hayden Video Kho. Aba…ingit kaya siya sa mga biktima ni Hayden sa gaganda ano? Puera lang si Lola Belo…

  3. tanga pala yang c atty kapunan eh,. para anu pa at naging doctor c hayden at nagka lisensya sa pagka doctor kung hnd pala sya marunong mag isip, hnd naman basta2 ang ginawa ni hayden anoh. ang gumagawa lang nun eh ang taong may kulang sa pag iisip! atty. kapunan pera lang namn ang habol nyan hakit mabaligtad na ang batas ang mahalaga may pera sya! mukhang pera!

Leave a Reply

Your email address will not be published.