James Reid, ungentleman kay Nadine Lustre

James Reid, ungentleman kay Nadine LustrePinuna ng ilang netizens ang eksenang nakuhanan ng litrato sina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang ‘date’ sa Rocwell Powerplant Mall noong Valentine’s Day, February 14.

Sa eksena, pababa ng escalator ang dalawang bida ng nagtapos na teleseryeng “On The Wings of Love”, kung saan makikitang maraming bitbit na gamit si Nadine habang nauuna si James Reid na hindi man lang tinulungan ang kasamang dalaga.

Sabi tuloy ng mga netizens na napaka-ungentleman naman ni James, at bakit hindi man lang tinulungan ang kanyang ka-love team na bitbitin ang mga dala-dala.

Sa finale presscon ng nasabing teleserye, kinuhanan ng pahayag ang dalawa kaugnay ng pagiging ungentleman umano ni James. Pagtatanggol ni Nadine Lustre kay James, “‘Yung mga gamit po na ganun, I really don’t mind kung ako ‘yung magbibitbit. It’s okay. Kasi, number one, it’s really not heavy. Number two, kaya ko naman po. And even ‘pag may schedule, minsan wala akong PA [personal assistant], I carry my stuff, I drive, so parang it’s really nothing to me.”

Nag-offer naman daw ng tulong si James, pero si Nadine na rin ang tumanggi.

“He did, but then, ‘Ako na hahawak, it’s okay.’ Sanay po kasi ako ng ganu’n. Even with my bag, parang hindi ko po talaga pinabibitbit sa iba,” sabi pa ni Nadine.

“She wanted all the bags, so I’m not gonna fight her over that,” maiksing sagot naman ni James.

Ipinaliwanag din ni James na noong magpunta sila sa nasabing mall, mayroon talaga silang dinner plans, pero na-cancel, kaya nauwi na lang sila sa pamimili ng computer games.

“We were at Rockwell, we were just shopping for computer games. But to be honest, meron kaming dinner plans, but it was cancelled because the restaurant was full,” sabi ni James.

By Parazzi Boy

loading...

One thought on “James Reid, ungentleman kay Nadine Lustre

  1. Wag na lang yung sa pagbubuhat ng mga bag. May magboyfriend ba na kakaon lang ng feb 11 e hindi na agad sweet? Nauna pang sumakay ng escalator? Tapos fully booked lang yung resto e hindi na natuloy yung date? Valentines day to, 1st date as a couple! Ano mararamdaman mo kung ikaw si nadine? Gimik!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.